Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-arawHalimbawa

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

ARAW 5 NG 7

Muntik ko nang maihulog ang libro nang aking mabasa ang salin ni David Bentley Hart sa salitang "pinagpala" sa Biblia. Ang tanyag na iskolar ay nagsabi kung gaano na raw nawawalan ng kabuluhan ang kahulugan nito sa ating kultura: ito ay ginagamit na humigit-kumulang bilang "masuwerte" o "mapalad." Sa halip, ipinaglalaban ni Hart na ang tunay na kahulugan ay mas malapit sa salitang napakaligaya o isang kalagayan ng matinding kaligayahan. 



Ito ang ginawa ng Diyos para sa atin sa ebanghelyo: ibinigay Niya sa atin ang bawat pangwalang hangganang biyaya na ating maiisip hanggang sa punto na tayo ay puno ng ligaya! 



Ang ating araw-araw na pagpili, ang ating araw-araw na laban, ang ating araw-araw na pagsubok ay kung ating maaalala, mapapagtanto, at maipapamuhay ang katotohanang ito o hindi. 



At hindi ito batay sa mga pangyayari. Hindi talaga. Isang binata, si Meisha, ang nagturo sa akin tungkol dito sa pamamaraang hindi ko kailanman makakalimutan. 



Si Meisha ay isang refugee sa isang bansang sinira ng digmaan. Ang kanyang nayon at ang lahat ng kanyang nakilala ay nawasak ng isang mapang-aping hukbo, at siya ay sapilitang ginawang taga-bitbit, dala-dala lahat ng mga gamit ng isang sundalo patungo sa isang maulang gubat habang tinututukan ng dulo ng isang baril—parang katulad noong panahon ni Jesus kung saan ang isang sundalong Romano ay sapilitang ipinapadala sa isang tao ang kanyang mga kagamitan nang isang milya. 



Isang araw ay pinuwersa si Meisha ng isang sundalong may baril na nakatutok dito upang lansagin ang isang mina sa lupa. Sumabog ang mina, at nawalan si Meisha ng dalawang kamay at mata sa isang saglit. Iniwan siya roon, sa pag-aakalang siya ay patay na, ngunit hindi siya namatay. 



Maraming taon na ang nakalilipas nang may isang taong nagbahagi sa kanya ng kuwento ng naghihirap na Tagapagligtas. Nakilala niya ang isang Diyos na nalalaman ang kanyang sakit na nararamdaman. Ang kanyang buhay ay maluwalhating nabago. 



Si Meisha ay may lubhang pananabik sa Ebanghelyo na nagpatulong siya sa mga tao upang marating niya ang isang kampo ng refugee tungo sa iba pang kampo ng refugee para kanyang maibahagi ang Mabuting Balita sa mga taong hindi pa nakaririnig ng tungkol kay Jesus. 



Ang kagalakan ni Meisha ay nakakahawa. Mas masaya pa siya kaysa sa maraming taong nakakakita, may mga kamay, at hindi naninirahan isang kampo ng mga refugee. Ang kanyang kagalakan ay nagmumula sa kanyang pasasalamat dahil sa krus. Alam ni Meisha na sa isang maikling panahon ay makakapiling Niya rin si Cristo magpakailanman. 



Ipinapakita ito ni Meisha sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Mabuting Balita sa gitna ng isang kampo ng refugee. Ipinapakita niya sa buhay niya ang mga sulat ni apostol Pablo, na siyang nagsabing, "Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad." (2 Mga Taga-Corinto 4:17). 


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? Ang 7-araw na debosyonal na ito ay naglalayong tulungan kang gawin ito! Ang Ebanghelyo ay hindi lamang nagliligtas ...

More

Nais naming pasalamatan ang Think Eternity sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.thinke.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya