Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Si Jesus ang Kamag-Anak-na-Manunubos
Inilarawan ng Lumang Tipan ang isang banal na tagapagligtas na ililigtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkabihag. Isang simbolo ng darating na pagtubos na ito ay ang papel ng kamag-anak-na-manunubos, isang malapit na miyembro ng pamilya na maaaring pumili upang iligtas ang isang kamag-anak sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanyang mga utang.
Bilang katuparan ng tanda na ito, si Jesus ay naging ating Kamag-Anak-na-Manunubos. Siya ay naging laman at dugo upang Siya ay makabahagi sa ating pagiging tao, naging Anak ng Tao pati na rin Anak ng Diyos. Lumakad Siya kasama natin, nakilala bilang tulad natin upang mabayaran Niya ang ating mga utang at ipakita sa atin ang paraan pabalik sa Lumikha sa atin. Walang ibang kayang humango sa atin sa kasalanan at palayain tayo sa ating pagkaalipin.
Gawain: Magluto ng ilang kakanin o biscuit at bigyan ang iyong mga kapitbahay o katrabaho.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Paghahanap ng Kapayapaan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
