Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Tugon sa Diyos
Ang pangakong pagpapakasal nina Maria at Jose ay marahil isang bagay na matagal nang ipinapanalangin ng kanilang mga pamilya. Kapwa sila nagmula sa lahi ni Haring David—isang perpektong pares na magbibigay sana ng dahilan sa mga pamilya upang magalak. Ngunit biglang pinigil ng Diyos ang kanilang pagdiriwang.
Ang napakabilis na pagdating ng anghel sa kuwento ni Maria ay hindi nagbigay ng sapat na panahon upang siya ay maghanda para sa kanyang mensahe: Siya ay nakasumpong ng biyaya mula Diyos at sa kanya ipapanganak ang Kanyang Anak—kahit birhen pa siya. Tiyak na nakadama siya ng malakas na bugso ng damdamin—bukod sa kanyang paghanga, ang iisipin ng kanyang pamilya at komunidad ay maaring nasa kanyang isipan. Kailangang magpasiya si Maria: Susuko ba siya sa plano ng Diyos, isang tila imposible at nakakatakot na basehan?
Ang matapang at mapagpakumbabang tugon ni Maria ay isang halimbawa para sa bawat mananampalataya. Kapag tayo ay sumuko sa pagpigil ng Diyos, tayo ay makakatagpo ng kapahingahan sa kaalaman na lagi Siyang may mas mataas na layunin para sa ating buhay.
Gawain: Bilang pamilya, saliksikin kung paano ang iba't ibang kultura ay nagdiriwang ng Pasko. Isiping gamitin ang ilang bagong tradisyon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Paghahanap ng Kapayapaan

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-araw
