Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 10 NG 70

Pag-ibig na Walang Hanggan



Ang ating kasalukuyang mundo ay hindi naiiba sa panahon na isinilang si Jesus. Ang mga kaguluhang pampulitikal, digmaan, pang-aapi, at dalamhati ay araw-araw na realidad—tulad din ngayon. Ang bayan ng Diyos sa Kanyang panahon ay naghahanap ng gayon ding mga bagay tulad ng ating inaasam ngayon: kapayapaan, pag-ibig, katiwasayan, at diwa ng layunin.



Si Jesus ay pumarito upang ihayag ang Kanyang sarili bilang daan para maranasan ng puso ng tao ang tunay na kapayapaan, kasiyahan ng loob, at pag-ibig na tumatagal magpakailanman. Alam ng sinuman na nabuhay lamang para sa makamundong kasiyahan na ang kahulugan ng kabuhayan ay palaging panandalian lamang. Kahit na ang pinaka kahanga-hangang karanasan ng pag-ibig mula sa tao ay hindi magagawang tunay na punan ang panloob na kakulangan.



Ang nakasisiya sa kaluluwa at walang pasubaling pag-ibig na ipinakita ni Jesus sa Kanyang pagparito ay sa atin na kapag tinanggap natin Siya at ang Kanyang walang bayad na kaloob.. At sa Kanyang pag-ibig, sa wakas ay matatagpuan ang dati na nating hinahanap.



Gawain: Tingnan ang mga ilaw ng Pasko sa paligid ng iyong lugar kasama ang iyong pamilya.


Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang ba...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya