Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Journey To The Manger

ARAW 13 NG 70

Ang Kanyang Mas Mataas na Layunin



Kadalasan sa panahon ng matinding kabiguan ang Diyos ay binibigyan tayo ng pagkakataon upang matuklasan ang Kanyang mas mataas na layunin para sa ating buhay.



Matapos ang kasunduang pagpapakasal ni Maria kay Jose, lumapit siya sa kanya na dala ang hindi kapanipaniwalang na balita. Buntis siya—at sinabi niya na bunga iyon ng isang malaking himala. Ang puso ni Jose ay tiyak na nadurog. Walang magagandang opsiyon—magpakasal sa isang masamang babae at tiisin ang pag-ako o pahiyain sa publiko ang babaeng ito na iginalang at pinagmamalasakitan niya. Paanong nagkaroon ng kinalaman ang Diyos sa kakaibang pangyayaring ito?



Nang si Jose ay matutulog na nang gabing iyon, isang anghel ang dumating upang sabihin sa kanya na maniwala kay Maria—at buong pusong maging kasama niya sa kakaibang pagtawag na maging mga magulang ng Anak ng Diyos sa lupa. Maaaring tumugon si Jose nang walang paniniwala o may pighati. Subalit sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, nagawa ng Diyos ang walang katumbas na mas mataas na layunin na magpapala sa sangkatauhan para sa buong kawalang-hanggan.



Gawain: Mag-ukol ng oras sa iyong araw na basahin ang isang paboritong storybook sa isang bata sa iyong buhay.


Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Journey To The Manger

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang ba...

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: https://intouch.cc/yv18

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya