Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Pakikipagtagpo kay Jesus
Isipin ang pagkamangha ng mga pastol nang ang isang anghel ng Panginoon ay kumausap sa kanila, na sinusundan ng malaking hukbo ng mga anghel na pinuno ang gabing kalangitan ng liwanag at musikang hindi mula sa daigdig na ito. At isipin ang kanilang pananabik habang papaalis mula sa kanilang parang at mga tupa upang hanapin ang lahat ng sinabi sa kanila ng anghel.
Ngunit ang karanasang nakapagpabago sa kanilang buhay nang gabing iyon ay nang makatagpo nila ang Mesiyas ng harap-harapan. Ito ay nakaantig sa kanilang mga puso upang sumamba. Sinabi ng mga anghel sa mga mapagpakumbabang pastol kung sino ang sanggol na ito sa isang maruming kuwadra, at ang kanilang pusong umaasam ang nagmulat sa kanila upang makilala Siya at bigyan Siya ng karangalan at pagsamba na nararapat bilang Hari.
Gayundin, kapag nakatagpo mo si Jesus at nakita kung sino Siya, ang pagkatanto ng Kanyang pag-ibig at kaluwalhatian ay pupuno sa iyong puso ng pasasalamat at mas nanaisin mong makilala Siya nang lubusan.
Gawain: Gumawa ng isang playlist ng iyong mga paboritong himno ng Pasko o mga awiting pagsamba. Habang ikaw ay nakikinig, pagnilayan ang labis na pagmamahal ng Diyos para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Paghahanap ng Kapayapaan
