Paglalakbay Tungo sa SabsabanHalimbawa

Naudyukang Hanapin
Sa panahon ng kapanganakan ni Cristo, isang bagong maningning na bituin ang lumitaw sa langit. Napakalakas ng liwanag nito na nahikayat ang isang pangkat ng mga matatalinong tao mula sa silangan upang magsimula ng isang mahabang paglalakbay para hanapin ang isang Hari na ang pagdating ay inihula. Ito ay mga tao na may mahusay na kaalaman mula sa kanlurang Asya na ginugol ang kanilang buhay sa paghahanap ng karunungan bilang mga pilosopo, pari, at mga astrologo. Gayunpaman, sa lahat ng kanilang espirituwal na paghahanap, nagnanais pa sila nang higit pa.
Payag silang iwanan ang kanilang komportableng buhay at iginagalang na karera, isinaalang-alang nila ang lahat nang ito upang gawin ang mapanganib na paglalakbay sa hindi kaaya-ayang kondisyon at sa maraming bagay na walang kaalaman. Ngunit dahil ang kanilang mga puso ay nabihag ng tanda na ito na ipinanganak ang isang makapangyarihang tagapagligtas, naudyukan silang maghanap hanggang sa matagpuan nila Siya.
Tulad ng mga matatalinong tao, sa sandaling makatagpo natin si Jesus ng harap-harapan, kusang isasantabi natin ang ating kaalaman. Sa piling ng Kanyang walang hanggang karunungan, tayo ay may kagalakang sumamba sa ating hinahanap.
Gawain: Ipasa ang kabutihang naranasan mo! Sa sunod na ikaw ay bibili ng inuming kape o manlilibre, ikaw ay magbayad para sa taong nasa likod mo sa linya.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa isang tahimik na gabi 2,000 taon na ang nakalilipas, ang mga anghel ay may dalang balita ng kapanganakan ng Tagapagligtas sa isang pangkat ng mga pastol na nangangalaga sa kanilang mga kawan. At matapos marinig ang balita, iniwan ng mga pastol ang lahat upang hanapin ng isang sanggol sa isang sabsaban sa Bethlehem. Sa mga nagdaang taon, ang imbitasyon ay hindi nagbago. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang lumapit sa Tagapagligtas at hinihikayat ka niyang magkaroon ng oras upang magpahinga sa pag-ibig ng Ama sa panahong ito.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Krus at Korona

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat

Bagong Taon, Mga Bagong Awa

Jesus: Ang Ating Watawat ng Tagumpay

Bakit Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Araw-araw na Paghahanap sa Puso Ng Diyos - Karunungan

Paghahanap ng Kapayapaan
