Mapagtagumpayan ang Pag-iisip ng Pagpapakamatay at Pananakit sa SariliHalimbawa

Kabilang Ka sa Komunidad
Sino sa buhay mo ang nagpapasigla sa'yo, nagpapalakas ng loob mo, at humahamon sa'yong tapat na sundin ang Diyos? Sino ang nakakaalam ng mga bagay na binubuno mo at nariyan para sa iyo sa oras ng pangangailangan, anumang oras ng araw o gabi?
Hindi ka nilalang ng Diyos para pagdaanan ang buhay nang mag-isa. Nilalang ka Niya upang mapaligiran ng ibang mga tagasunod ni Cristo na tutulong sa'yo, ipagdarasal ka, at bubuhat sa'yo kapag hindi mo na kayang magpatuloy pa. Kung wala kang ganyang mga relasyon, napakalaki ng nawawala sa'yo!
Sinasabi sa atin ng Biblia na kung saanman may dalawa o higit pang nagkakatipon sa pangalan ni Jesus, naroon ang Diyos na kasama nila. Ang dalawa ay mabuti kaysa isa, sinasabi sa aklat ng Ang Mangangaral, dahil kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. At tulad ng lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot, ang isang grupo ng mga mananampalatayang nakatayong magkakasama para sa isa't isa ay malakas at nagkakaisa.
Kung binabasa mo ito at mapagtantong wala kang ganitong uri ng komunidad sa iyong buhay, nais naming malaman mo na narito kami para sa'yo! Samahan kami sa online na pananambahan sa Pananambahang Online o magsumite ng hiling sa panalangin sa aming grupo rito. Ikagagalak naming matulungan kang makapagpatuloy sa panunumbalik sa katiwasayan at paggaling. Maaari kang maging bahagi ng aming komunidad!
Mag-ukol ngayon ng ilang sandali upang manalangin nang ganito sa Diyos: O Diyos, salamat sa paglalang Mo sa akin upang maging bahagi ng isang komunidad ng mga taong nagmamahal at nagpapalakas ng loob ko. Alam kong hindi ko kayang pagdaanan ang buhay na ito nang mag-isa, at humihiling na tulungan akong magkaroon ng lakas-loob na umabot sa iba para sa tulong at gabay. Naniniwala akong dadalhin Mo ang tamang mga tao na tutulong sa akin na mas mapalapit sa Iyo bawat araw. Sa pangalan ni Jesus, nananalangin ako. Amen.
Kumilos Na Ngayon
Makipag-usap sa isang taong handang makinig nang 24/7: tumawag sa 1-800-273-8255 o mag-text sa 741741 (USA lang)
Para sa higit pang mga sanggunian sa pagpigil sa suicide, bumisita sa life.church/findhope
Samahan kami sa Pananambahang Online at tapikin ang Live Prayer upang makipag-chat at manalangin na kasama ang isang taong nagmamalasakit, o humiling ng panalangin sa Life.Church here.
Para sa mga nasa labas ng USA, hanapin ang mga sanggunian sa iyong lugar dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, o naranasan mo nang saktan ang iyong sarili o mag-isip na magpakamatay, kailangan mong malaman na may Diyos na nagmamahal sa iyo, may layunin para sa iyo, at kasama mo ngayon mismo. Ang anim na araw na gabay na ito mula sa Life.Church ay makakatulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa kung sino ka at magpapalakas sa iyo sa iyong lakbayin tungo sa pagggaling ***Kung ikaw ay nasa isang emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa ibang tao. Lakip sa bawat araw ng debosyon ang mga sanggunian.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Prayer

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image
