Mapagtagumpayan ang Pag-iisip ng Pagpapakamatay at Pananakit sa SariliHalimbawa

Ang Iyong Buhay Ay May Layunin
Palagi ka bang nag-aalala tungkol sa hinaharap? Parati ka bang nagmumuni kung bubuti pa ang mga bagay, o mananatiling palaging ganito kahirap ang buhay?
Kahit pa tila nakakapanlumo ang buhay o pakiramdam mong ikaw na ang pinakadakilang talunan, mayroon pa ring kahanga-hangang layunin ang Diyos para sa iyong buhay.
Sinasabi sa atin ng Biblia na hindi tayo nilalang ng Diyos upang maging mga biktima o maghirap, kundi para gumawa ng mabubuting gawa at sumagana. Hindi ibig sabihin nito na ang buhay ay palaging magiging madali o ayon sa kagustuhan mo; ang ibig sabihin nito ay na kahit sa mahihirap na panahon, ang Diyos ay may mas mataas na plano at isinasaayos ang lahat ng bagay para sa ikabubuti mo.
Maaaring iniisip mo ang, “Ngunit paano kaya Niya posibleng gawing mabuting bagay ang aking pagdurusa?” Baka isang araw magawa mong tulungan ang isang tao na dumaraan sa kaparehong sitwasyon na pinagdaraanan mo ngayon. Baka nais ng Diyos na sumandig ka sa Kanya nang lubusan sa panahong ito sa paraang hindi mo pa nagagawa noon. Anuman ang Kanyang mga dahilan, maaari kang mapanatag na ang mga plano ng Diyos ay palaging mas dakila kaysa sa sa'yo at kung papayagan mo Siya, gagamitin Niya ang iyong mga talento, alab, at mga pasanin upang baguhin ang daigdig. Ikaw ay nakalaan para sa kadakilaan!
Mag-ukol ngayon ng ilang sandali upang manalangin nang ganito sa Diyos: O Diyos, salamat sa paglalang sa akin nang may banal na layunin. Alam Mo mula pa noong pasimula ng panahon ang katawagan sa aking buhay, at pinapasalamatan Kita na maging pinakamahihirap na araw ko ay bahagi ng Iyong plano para sa akin. Mangyaring tulungan akong maalala ang Iyong mga pangako sa Banal na Kasulatan: na itatawid Mo ako sa yugtong ito ng aking buhay tungo sa isang bagay na dakila, at na ang aking hinaharap ay puspos ng pag-asa. Nagtitiwala ako sa Iyo para sa ang aking buhay, O Diyos, at nananalanging gagamitin Mo ito sa paggawa ng isang hindi kapani-paniwalang bagay para sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, ako ay nananalangin. Amen.
Kumilos Na Ngayon
Makipag-usap sa isang taong handang makinig nang 24/7: tumawag sa 1-800-273-8255 o mag-text sa 741741 (USA lang)
Para sa higit pang mga sanggunian sa pagpigil sa suicide, bumisita sa life.church/findhope
Samahan kami sa Pananambahang Online at tapikin ang Live Prayer upang makipag-chat at manalangin na kasama ang isang taong nagmamalasakit, o humiling ng panalangin sa Life.Church here.
Para sa mga nasa labas ng USA, hanapin ang mga sanggunian sa iyong lugar dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, o naranasan mo nang saktan ang iyong sarili o mag-isip na magpakamatay, kailangan mong malaman na may Diyos na nagmamahal sa iyo, may layunin para sa iyo, at kasama mo ngayon mismo. Ang anim na araw na gabay na ito mula sa Life.Church ay makakatulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa kung sino ka at magpapalakas sa iyo sa iyong lakbayin tungo sa pagggaling ***Kung ikaw ay nasa isang emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa ibang tao. Lakip sa bawat araw ng debosyon ang mga sanggunian.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Prayer

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image
