Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mapagtagumpayan ang Pag-iisip ng Pagpapakamatay at Pananakit sa SariliHalimbawa

Overcoming Thoughts of Suicide and Self-Harm

ARAW 5 NG 6

Mapagtatagumpayan Mo ang Kadilimang Ito

May paraan bang makayanan mo ang sakit na dinaranas? Matatakasan mo ba kailanman ito?

Sa tulong ng Diyos, ang sagot ay oo. Kapag nagsimulang dumagsa ang mga kaisipang saktan ang sarili mo o sumuko na talaga, piliing tanggihan ang mga kasinungalingan at bagkus tumuon sa mga pangako ng Diyos sa'yo. Sinasabi sa atin ng Biblia na hindi ipapahintulot ng Diyos na ikaw ay subukin nang higit sa makakaya mo at na palagi ka Niyang bibigyan ng daang makaiwas at lakas nang mapagtagumpayan ito para madaig mo ito. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo, madadaig mo ang kadilimang nagtatangkang ibagsak ka.

Kung ikaw ay nakikipagbuno sa mga kaisipang magpakamatay o kinokonsiderang saktan ang iyong sarili upang mabawasan ang paghihirap, magpasya ngayong gumawa ng plano ng aksyon para sa mga panahong natutukso kang gumawa ng mapaminsalang bagay. Alisin ang anumang bagay sa iyong kapaligiran na maaari mong gamitin sa pananakit sa'yong sarili, magtala ng mga numero ng telepono ng mga taong maaari mong tawagan at kausapin, at simulang magsaulo ng mga sipi mula sa Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong manalo sa labanan.

Isang bersikulong napakagaling na isaulo ay ang Mga Taga-Filipos 4:8, na nagsasabi sa ating ituon ang ating mga isipan sa mga bagay sa ating buhay na totoo, kagalang-galang, matuwid, malinis, kaibig-ibig, kapuri-puri, marangal, at nararapat papurihan. Ilang bersikulo lang maya-maya, sa Mga Taga-Filipos 4:13, matututunan nating ang lahat ay magagawa natin dahil sa lakas na kaloob sa atin ni Cristo. Kapag itinuon mo ang iyong lakas sa paghahanap sa Diyos at sa pagtindig nang matatag sa Kanyang lakas, mapagtatagumpayan mo ang anumang ibato sa iyo ng buhay.

Tandaan, kapag nanghihina ka, walang hanggan ang lakas ng Diyos. Kapag wala ka nang lakas ni pagnanais na magpatuloy pa, tumawag sa Kanya at dadalhin ka Niya sa kalayaan. Mapagtatagumpayan mo ang kadilimang ito!

Mag-ukol ngayon ng ilang sandali upang manalangin nang ganito sa Diyos: Jesus, salamat sa pangako Mong hindi ako kailanmang susubukin nang higit sa makakaya ko. Bibigyan Mo ako palagi ng daang makaiwas at lakas, kahit sa mga panahong pinakamahina ako. Tulungan akong ituon ang aking isip sa Iyong mga pangako, imbes na sa mga kasinungalingang nagsasabing mas madali ang sumuko na lang. Idinideklara ko ngayon na sa tulong Mo, ako ay isang Mananaig at Matagumpay. Sa pangalan ni Jesus, ako ay nananalangin. Amen.

Kumilos Na Ngayon

Makipag-usap sa isang taong handang makinig nang 24/7: tumawag sa 1-800-273-8255 o mag-text sa 741741 (USA lang)

Para sa higit pang mga sanggunian sa pagpigil sa suicide, bumisita sa life.church/findhope

Samahan kami sa Pananambahang Online at tapikin ang Live Prayer upang makipag-chat at manalangin na kasama ang isang taong nagmamalasakit, o humiling ng panalangin sa Life.Church here.

Para sa mga nasa labas ng USA, hanapin ang mga sanggunian sa iyong lugar dito.

Tungkol sa Gabay na ito

Overcoming Thoughts of Suicide and Self-Harm

Kung pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, o naranasan mo nang saktan ang iyong sarili o mag-isip na magpakamatay, kailangan mong malaman na may Diyos na nagmamahal sa iyo, may layunin para sa iyo, at kasama mo ngayon mismo. Ang anim na araw na gabay na ito mula sa Life.Church ay makakatulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa kung sino ka at magpapalakas sa iyo sa iyong lakbayin tungo sa pagggaling ***Kung ikaw ay nasa isang emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa ibang tao. Lakip sa bawat araw ng debosyon ang mga sanggunian.

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church