Mapagtagumpayan ang Pag-iisip ng Pagpapakamatay at Pananakit sa SariliHalimbawa

Hindi Ka Nag-iisa
Pakiramdam mo ba minsan na nag-iisa ka lang? Nagtataka paminsan kung mayroong taong talagang nagmamalasakit sa'yo sa pinagdadaanan mo?
Kung pakiramdam mo ay wala kang kasama, dapat mong malaman na ang Diyos ay palagi mong kasama—ngayon mismo sa sandaling ito. Sa iyong mga pinakamaningning na panalo at sa iyong mga panawagan ng saklolo sa kadiliman, palagi Siyang nariyan sa tabi mo. Hindi ka Niya kailanman iiwan.
Ang totoo nito, sinasabi sa atin ng Biblia na hindi tayo kailanman makakatakas sa Kanya o makakaiwas sa Kanyang presensya. Kahit ilang beses ka pang magkamali, ilang kaibigan pa ang mag-iwan sa'yo, o parang wala kang kalaban-laban sa buhay paminsan, ang Diyos ay palaging nakapalibot sa iyo.
Sinasabi Niya sa iyo ngayon ang, “Kasama mo Ako saan ka man magpunta.” Pinapalakas Niya ang iyong loob, “Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob.” Pinapangako Niya sa iyo ang, “Palalakasin kita at tutulungan.” Hindi ka nag-iisa!
Mag-ukol ngayon ng ilang sandali upang manalangin nang ganito sa Diyos: O Diyos, salamat sa pangako Mo na sasamahan ako anuman ang aking pinagdaraanan. Kailangan Kita upang maging matatag at malakas ang loob. Mangyaring pagkalooban ako ng kapayapaan at kaaliwan na tanging ang presensya Mo ang makakapaghatid. Sa pangalan ni Jesus, ako ay nananalangin. Amen.
Kumilos Na Ngayon
Makipag-usap sa isang taong handang makinig nang 24/7: tumawag sa 1-800-273-8255 o mag-text sa 741741 (USA lang)
Para sa higit pang mga sanggunian sa pagpigil sa suicide, bumisita sa life.church/findhope
Samahan kami sa Pananambahang Online at tapikin ang Live Prayer upang makipag-chat at manalangin na kasama ang isang taong nagmamalasakit, o humiling ng panalangin sa Life.Church here.
Para sa mga nasa labas ng USA, hanapin ang mga sanggunian sa iyong lugar dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, o naranasan mo nang saktan ang iyong sarili o mag-isip na magpakamatay, kailangan mong malaman na may Diyos na nagmamahal sa iyo, may layunin para sa iyo, at kasama mo ngayon mismo. Ang anim na araw na gabay na ito mula sa Life.Church ay makakatulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa kung sino ka at magpapalakas sa iyo sa iyong lakbayin tungo sa pagggaling ***Kung ikaw ay nasa isang emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa ibang tao. Lakip sa bawat araw ng debosyon ang mga sanggunian.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Prayer

Masayahin ang ating Panginoon

Sa Paghihirap…

Ang Kwento ng Naglayas na Anak
