Mapagtagumpayan ang Pag-iisip ng Pagpapakamatay at Pananakit sa SariliHalimbawa

Ikaw Ay Iniibig
Nakaramdam ka na bang ikaw ay hindi kaibig-ibig, na para bang walang makakapagmahal sa totoong ikaw?
Ang totoo nito ay, ikaw ay iniibig nang walang kondisyon ng Diyos na lumalang sa iyo. Gaano ka mang karaming pagkakamaling nagawa, o gaanong sa palagay mong hindi karapat-dapat ng pag-ibig, palagi kang tatawaging Kanyang anak ng Diyos.
Hindi lang tayo iniibig ng Diyos sa gawa. Siya mismo is ang pinakadiwa ng pag-ibig, na sinasabi sa atin ng Biblia na maaari nating makilala at sandigan. At ang pag-ibig na itong bigay-todong ipinagkakaloob sa'yo? Hindi ka kailanmang maihihiwalay rito. Ang kamatayan, ang buhay, ang kasalukuyan, ang hinaharap—wala sa mga itong may kapangyarihang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos.
Gayunpaman, hindi lang sinasabi ng Diyos na iniibig Niya tayo. Pinatunayan Niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang kaisa-isang Anak, si Jesu-Cristo, upang mamatay para sa lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Hindi nanatiling patay si Jesus—Siya ay mahimalang muling nabuhay, nilupig ang kamatayan nang magpakailanman at sa pamamagitan nito ay nagbigay ng daan upang tayo ay magkaroon ng relasyon sa Kanya hanggang sa dulo ng ating buhay rito at sa walang hanggan. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin ang Kanyang libreng kaloob na pag-ibig at magpasyang sundin Siya. Ikaw ay iniibig!
Mag-ukol ngayon ng ilang sandali upang manalangin nang ganito sa Diyos: O Diyos, salamat hindi lang sa pagmamahal Mo sa akin, kundi pa sa pagiging mismong paglalarawan ng pag-ibig. Kahit pa pakiramdam ko'y hindi ako karapat-dapat ng pagmamahal ninuman, mahal Mo pa rin ako, at walang makakapagbago noon! Ngayon, tinatanggap ko ang libreng kaloob na pag-ibig na ibinigay Mo sa pamamagitan ng Anak Mo na si Jesus at humihiling sa Iyo ng isang sariwang simulain sa aking buhay. Isinusuko ko nang lubos ang aking buhay sa Iyo. Sa pangalan ni Jesus, nananalangin ako. Amen.
Kumilos Na Ngayon
Makipag-usap sa isang taong handang makinig nang 24/7: tumawag sa 1-800-273-8255 o mag-text sa 741741 (USA lang)
Para sa higit pang mga sanggunian sa pagpigil sa suicide, bumisita sa life.church/findhope
Samahan kami sa Pananambahang Online at tapikin ang Live Prayer upang makipag-chat at manalangin na kasama ang isang taong nagmamalasakit, o humiling ng panalangin sa Life.Church here.
Para sa mga nasa labas ng USA, hanapin ang mga sanggunian sa iyong lugar dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Kung pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, o naranasan mo nang saktan ang iyong sarili o mag-isip na magpakamatay, kailangan mong malaman na may Diyos na nagmamahal sa iyo, may layunin para sa iyo, at kasama mo ngayon mismo. Ang anim na araw na gabay na ito mula sa Life.Church ay makakatulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa kung sino ka at magpapalakas sa iyo sa iyong lakbayin tungo sa pagggaling ***Kung ikaw ay nasa isang emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa ibang tao. Lakip sa bawat araw ng debosyon ang mga sanggunian.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Masayahin ang ating Panginoon

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Prayer

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image
