Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mapagtagumpayan ang Pag-iisip ng Pagpapakamatay at Pananakit sa SariliHalimbawa

Overcoming Thoughts of Suicide and Self-Harm

ARAW 3 NG 6

Ikaw ay Pinapahalagahan

Minsan ba ay pakiramdam mo na hindi ka na mahalaga? Na para kang nasirang kalakal? 

Walang pasubaling isinasaad ng Biblia na ikaw ay napakahalaga sa mga mata ng Diyos. Anuman ang sinasabi mo sa iyong sarili sa mga pinakamalulungkot mong sandali, ang katotohanan ay na  nilalang ka ng Diyos na Kanyang perpektong pinakamahusay na gawa.

Sa mga mata ng Diyos, ikaw ay kahanga-hangang tunay. Maingat ka Niyang hinugis nang ikaw ay nasa tiyan pa ng iyong ina, at nilalang ka Niya ayon sa Kanyang larawan. Mahal Ka Niya bilang Kanyang sariling anak, at pati iyong mga buhok sa ulo ay bilang Niyang lahat!

Sinasabi sa atin ni Jesus na kahit isang ibon ay hindi maaaring mahulog sa lupa nang hindi nalalaman at pinagmamalasakitan ng Diyos. Kung ganyan Niyang pagmalasakitan ang isang ibon, naiisip mo ba kung gaano Ka Niyang kakilala at pinagmamalasakitan, na Kanyang perpektong pinakamahusay na gawa? Ikaw ay pinapahalagahan!

Mag-ukol ngayon ng ilang sandali upang manalangin nang ganito sa Diyos: O Diyos, salamat sa paglalang sa akin sa Iyong larawan. Mangyaring tulungan akong palaging maalala na ako ay nilalang Mo na kahanga-hangang tunay at talagang lubos na pinapahalagahan sa iyong mga mata. Kapag nagsisimula akong mag-isip na ako ay walang halaga o walang kabuluhan, mangyaring tulungan akong maalala ang katotohanan—na ako ang Iyong perpektong nilalang. Sa pangalan ni Jesus, nananalangin ako. Amen.

Kumilos Na Ngayon

Makipag-usap sa isang taong handang makinig nang 24/7: tumawag sa 1-800-273-8255 o mag-text sa 741741 (USA lang)

Para sa higit pang mga sanggunian sa pagpigil sa suicide, bumisita sa life.church/findhope

Samahan kami sa Pananambahang Online at tapikin ang Live Prayer upang makipag-chat at manalangin na kasama ang isang taong nagmamalasakit, o humiling ng panalangin sa Life.Church here.

Para sa mga nasa labas ng USA, hanapin ang mga sanggunian sa iyong lugar dito.

Tungkol sa Gabay na ito

Overcoming Thoughts of Suicide and Self-Harm

Kung pakiramdam mo ay wala nang pag-asa, o naranasan mo nang saktan ang iyong sarili o mag-isip na magpakamatay, kailangan mong malaman na may Diyos na nagmamahal sa iyo, may layunin para sa iyo, at kasama mo ngayon mismo. Ang anim na araw na gabay na ito mula sa Life.Church ay makakatulong sa iyong maunawaan ang sinasabi ng Diyos sa kung sino ka at magpapalakas sa iyo sa iyong lakbayin tungo sa pagggaling ***Kung ikaw ay nasa isang emergency, mangyaring makipag-ugnayan sa ibang tao. Lakip sa bawat araw ng debosyon ang mga sanggunian.

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church