Sa Paghihirap…Halimbawa

Paano kung hindi mo makita ang kamay ng Panginoon? 👐
Noong bago pa lang akong naging Christian, natutuwa ako kapag pakiramdam ko may sinasabi si Lord sa akin. I don’t mean I could hear Him audibly, like you can hear a person. Kundi may mga Bible passages na parang nagsasalita talaga sa akin, na may sinasabi tungkol sa mga pinagdadaanan ko sa panahong iyon.
Kaya noong may mga pagkakataong parang wala akong marinig, nakaramdam ako ng konting pag-alala — lalo na kapag may pagsubok akong kinakaharap na tingin ko’y kailangang-kailangan kong makarinig ng mga pangako Niya. At sa panahong iyon, naalala ko itong sinabi ng mentor ko: “When you can’t see His hand, you can trust His heart.”
Hindi ba’t totoo naman ito? Kapag naniniwala tayong ang puso ng Panginoon ay puno ng pagmamahal para sa atin, mas madaling magtiwala kahit na wala tayong nakikita.
Basahin natin itong verse:
Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. (Kawikaan 3:5-6 ASND)
Nakikita mo ba? Kahit sa paghihirap, hinihikayat Niya tayong magtiwala sa Kanya. Again, we can do this by looking at His character: because He’s faithful and He never changes, we can always trust that His plans for us are for our own good, and that all His ways are love.
Let’s pray this together, “Lord, kahit na minsan hindi ko makita ang ginagawa Mo, turuan Mo akong magtiwala sa Iyo, to trust in Your heart and in Your ways. I want to know You more. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day . Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol Sa Paghihirap…
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

Mag One-on-One with God

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin
