Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sa Paghihirap…Halimbawa

Sa Paghihirap…

ARAW 4 NG 7

Mahina ka ba ngayon? 😪

Kapag may pagsubok sa buhay, isn’t it our first instinct to ask the Lord to get rid of it? Kami din, kapag may mga paghihirap, ganoon din ang aming unang naiisip. Lord, bakit ayaw Mo pang tanggalin na lang ito para hindi na kami mahirapan? Puwede bang bigyan Mo agad ng solusyon ang problemang ito? Ayokong pagdaanan ito sa mahabang panahon.

Guess what? Kahit pala si Paul, ang alagad ni Lord na sumulat ng ilang mga letters in the New Testament, ay may karanasan ding katulad nito. May tinawag siyang “thorn in the flesh,” na nagmakaawa sya sa Panginoon na tanggalin. Let’s read what the Lord said to him:

Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, “Sapat na sa iyo ang aking biyaya, dahil ang kapangyarihan koʼy nakikita sa iyong kahinaan.” Kaya buong galak kong ipinagmamalaki ang aking mga kahinaan, nang sa ganoon ay lagi kong maranasan ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil dito, maligaya ako sa aking kahinaan, sa mga panlalait sa akin, sa mga pasakit, pang-uusig at sa mga paghihirap alang-alang kay Cristo. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako pinalalakas ng Dios. (2 Corinto 12:9-10 ASND)

Nakikita mo ba? Hindi pala lahat ng paghihirap ay kaagad tanggalin ni Lord. Pero sa lahat ng ito, may pangako Siyang makikita natin ang Kanyang kapangyarihan sa kahinaan natin.

Ano ba ang kahirapang pinagdadaanan mo ngayon? Nais mo bang makita ang kapangyarihan ng Panginoon sa ganito? Ipagdasal natin ito: “Lord, hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Pero naniniwala ako sa pangako mong kung kailan ako mahina, saka Niyo ako pinalalakas. At naniniwala akong makikita ko ang kapangyarihan mo sa kahinaan ko. Salamat, Lord. In Jesus’ name, amen.”

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan