Sa Paghihirap…Halimbawa

Parang disyerto ba ang buhay ngayon? 🏜️
Kumusta ka ngayon? Tahimik ba ang buhay? O meron ka bang pinagdaanang paghihirap?
This week, we will talk about how God shows up for us in the midst of difficult situations. Alam mo ba na sa paghihirap, sasamahan ka pa rin Niya?
In the Bible, there’s a story of the Israelites that God rescued out of Egypt. Nakakita ka na ba ng disyerto? Napakainit na lugar nito, walang tubig, at marami ang namamatay dito. So, mula sa Egypt, pupunta sila sa Promised Land, at kailangan nilang dumaan sa disyerto.
Pero alam mo ba ang ginawa ng Panginoon? Nagbigay Siya ng simbolo ng Kanyang presensya— isang palatandaan na makikita ng lahat. Sa umaga, may malaking ulap sa harap nila; malaking apoy naman tuwing gabi. At ang mga ito ang nagsilbing gabay nila sa kanilang paglalakad.
Let’s read this verse:
Kapag araw, ginagabayan sila ng Panginoon sa pamamagitan ng makapal na ulap, at kapag gabi ay ginagabayan sila sa pamamagitan ng naglalagablab na haliging apoy na nagbibigay sa kanila ng liwanag, para makapaglakbay sila araw man o gabi. Nangunguna sa kanila ang makapal na ulap kapag araw at ang naglalagablab na haliging apoy kapag gabi. (Exodus 13:21-22 ASND)
Pero hindi lang pala ito simbolo. Dahil napakainit sa disyerto kapag umaga at maaari ring maging napakalamig sa gabi, ang ibinigay pala ng Panginoon ay hindi lang “guide,” kundi nakatulong din in dealing with the harsh conditions of the desert.
Nakikita mo ba? Kahit ano pa ang pinagdadaanan mo ngayon, gusto kang samahan ni Lord. Let’s thank Him dahil hinding-hindi ka Niya pababayaan. Magpapadala Siya ng lahat ng kailangan mo upang makaahon ka sa pagsubok na ito ng buong-buo at lalo pang lumaki ang iyong pagtiwala sa Kanya.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol Sa Paghihirap…
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo
