Sa Paghihirap…Halimbawa

Hindi ka nag-iisa 🤗!
Let us continue our series: nakikita tayo ni Lord sa paghihirap. Kahapon, pinag-usapan natin si Jacob, na nakita ng Panginoon ang lahat ng pinagdaanan niya. Now, let’s take a look at another story, also from the book of Genesis in the Bible.
Noong unang panahon, may isang lalaking nagngangalang Abram, na pinili ng Panginoon bilang alagad. May asawa si Abram na si Sarai, at sa kabila ng kanilang katandaan, wala pa rin silang anak. Ipinangako ng Panginoon na magkakaroon sila ng anak. Mayroon silang alipin na si Hagai. Sa panahong iyon, nakagawian na kapag ang asawa ay hindi magkaanak, maaaring manganak ang alipin at ang anak nito’y ituturing na sa kanyang amo. Ginawa ito nina Abram, ang anak ni Hagai na si Ishmael ay itinuring na anak nina Abram at Sarai.
Ngunit, matapos ang ilang taon, natupad ang pangako ng Panginoon kina Abram. Nagkaanak si Sarai na pinangalanan nilang Isaac. Nang mangyari ito, pinalayas ni Sarah ang aliping si Hagar at ang anak niyang si Ishmael. Malapit na silang mamatay sa gutom, uhaw, at sa init ng disyerto, but the Lord appeared to them. Pinakain sila at pinauwi. Doon napagtanto ni Hagar na kahit parang walang nakapansin sa kanya, ang Panginoon ay laging nakakakita.
Basahin natin itong verse in the Bible:
Tinawag ni Hagar na “Dios na Nakakakita” ang pangalan ng Panginoon na nakipag-usap sa kanya, dahil sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Dios na nakakakita sa akin sa lugar na ito?” (Genesis 16:13 ASND)
Ikaw ba, may pinagdadaanan ka bang parang walang taong nakakakita sa iyo? Isaisip mo ito: nakikita ka Niya sa paghihirap na pinagdadaanan mo.
Pray this: “Lord, salamat at nakikita Mo ako sa aking paghihirap. Tulungan Mo akong malamang laging nandiyan Ka, kasama ko. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol Sa Paghihirap…
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Nilikha Tayo in His Image

Mag One-on-One with God

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin
