Sa Paghihirap…Halimbawa

Naghahanap ka ba ng liwanag? 🪔
Kapag dumaraan ka sa matinding pagsubok, hindi ba’t parang dumidilim ang lahat? Sometimes, there are just seasons in life that feel like there’s no light at the end of the tunnel. Kahit may mga nalalaman tayong “quotations,” like “behind every cloud, there’s a silver lining,” na gusto nating i-apply sa ating buhay, mahirap pa ring paniwalaan.
As we continue our series this week, ito ang gusto naming sabihin sa iyo: hindi namin ipinapangakong wala ng paghihirap, ngunit sa gitna ng iyong paghihirap, Siya ang liwanag sa kadiliman.
Let’s read this verse:
Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan (Salmo 119:105 ASND)
Totoo namang may madadaanan tayong kadiliman. But the good news is, His word is the light for our path. Ibig sabihin, kahit madilim, may kasama ka. At Siya lang ang nagbibigay-liwanag para makalakad ka ng maayos, kahit na hindi malinaw ang susunod mong hakbang.
At ito pang mga verses, let’s read these aloud:
Muling nagsalita si Jesus sa mga tao, “Ako ang ilaw ng mundo. Ang sumusunod sa akin ay hindi na mamumuhay sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw na nagbibigay-buhay. (Juan 8:12 ASND)
Ang Panginoon ang aking ilaw at Tagapagligtas.
Sino ang aking katatakutan?
Siya ang nagtatanggol sa akin kaya wala akong dapat katakutan. (Salmo 27:1 ASND)
Ang gandang balita nito di’ba? Kahit may madadaanan tayo na kadiliman, we’re not destined to live in darkness, because Jesus is the light of the world who gives us the light of life!
Dasalin natin ito, “Lord, mahirap ang kalagayan ko ngayon. Ipakita Mo ang Iyong liwanag sa aking dadaanan. Gusto kong makilala Ka bilang ilaw ng aking mundo. In Jesus’ name, amen.”
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol Sa Paghihirap…
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image

Mag One-on-One with God

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Nagsasalita Siya Sa Atin

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo
