Sa Paghihirap…Halimbawa

Mahirap bang magtiwala sa timing ni God?⌚
Kapag may paghihirap tayong nararanasan, hindi ba’t ang madalas na nangyayari ay minamadali nating magkaroon ng solusyon? Ang magtiwala sa panahon ng Panginoon ay nagiging napakahirap.
At naiintindihan namin ito. Dahil kami rin, may mga panahong nagtatanong kami kay Lord kung ano ba ang ginagawa Niya sa mga pagkakataong parang walang nangyayari! Hindi sa lahat ng panahon madaling maniwalang may ginagawa si Lord, lalo na kapag hindi natin ito nakikita.
Kaya kung ito ang pakiramdam mo ngayon, hindi ka nag-iisa. Pati mga characters sa Bible ay nakaranas din ng matagal na paghihintay bago natupad ang mga pangako ni Lord. For example, the Lord gave Joseph his dreams of becoming a leader when he was still young. Pero ibinenta pa siya bilang alipin sa bahay ng isang Egyptian, napagbintangan na gumawa ng kasalanan at nakulong pa ng ilang taon. Bago siya inilabas at naging second-in-command to the ruler of Egypt. (Mababasa mo ang kuwentong ito sa Genesis 37-50.)
Ngayon ang babasahin natin ay ang sulat ng isang taong nagpakilalang Mangangaral. Let’s read this aloud:
May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo:
May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan;
may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.
At lahat ng ito ay itinadhana ng Dios na mangyari sa takdang panahon. (Mangangaral 3:1, 2, 11 ASND)
Nakikita mo ba? Whatever we’re going through, it’s not random. Sa mata ng Panginoon, may oras na nakatakda para sa lahat. Hindi ba nakakatulong ang malamang hindi Siya bulag sa mga nangyayari, and that He already has a set time for everything? This means that pati ang paghihirap natin, may nakatakdang oras — may nakatakdang umpisa at may nakatakda ring katapusan.
Tandaan mo, isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol Sa Paghihirap…
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day/miracle
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Mag One-on-One with God

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

Nilikha Tayo in His Image
