Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ini-Enjoy Ka Ni GodHalimbawa

Ini-Enjoy Ka Ni God

ARAW 7 NG 7

Kagandahan: 🌹ano ito para sa iyo?

It’s easy to say na hindi pangit ang isang tao, pero it’s another thing to say na maganda siya. At lalo itong naging mahirap isipin kapag tungkol sa sarili natin. Hindi ba, madali para sa ating isipin na ang lahat ng pangit sa atin ay nailipat na kay Jesus dahil sa cross, pero mas mahirap tanggapin na ang Kanyang kagandahan ay nailipat din sa atin?

Parang hindi yata totoo, sabi ng ating isipan. Hindi bulag si Lord, siguradong nakikita Niya ang lahat ng ating mga kahinaan at kapintasan! Surely, we are not flawless in His eyes…?

Pero ano ang sabi ng Biblia? Sabi ng Bibliya, sa mata ng Diyos, you’re beautiful and without a flaw (Awit ni Solomon 4:8) Paano nangyari yun?

Noong naging kasalanan si Jesus at naging matuwid ka, this was not a "hypothetical" situation, but a truth. Ang katotohanan ay hindi nagbabago, kahit na taliwas dito ang ating nakikita o nararamdaman. Ibig sabihin, dahil sa finished work ni Jesus, kung saan binuhos Niya ang Kanyang sariling dugo, wala talagang kakulangan sa'yo! At ang mas maganda pa, dahil ang dugo ni Jesus ay walang hanggan, ibig sabihin ang kagandahan na ibinigay Niya sa atin ay hindi rin nagbabago!

Mas madalas ba na ang oras mo ay nauubos sa pagpapansin sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo? Natural sa tao ang maghanap and point out flaws; pero iba ang tingin ng Panginoon sa atin, at ang sinasabi Niya ang mas mahalaga.

Sabihin mo ito sa iyong sarili: “Sa mata ng Panginoon, maganda ako at walang dungis.”

Maganda ka, at isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan