Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ini-Enjoy Ka Ni GodHalimbawa

Ini-Enjoy Ka Ni God

ARAW 4 NG 7

Kapag performance ang sukatan… 🧐

Are there times when you feel like you're a total failure? Na kahit anong gawin mo, hindi pa rin sapat para sa expectations ng mga magulang mo, guro, asawa, o pati na rin ng mga leaders of the church?

Minsan, naiisip natin na ganito rin siguro ang nararamdaman ni Lord sa atin: baka galit Siya sa mga nagawa natin o disappointed Siya dahil sa mga hindi natin nagawa. We might feel, if even my own father is disappointed in me, how much more this God who has a higher standard?

Pero sa 1 Samuel 16, ikinuwento ng Bibliya ang pagpili ng Diyos kay David para maging susunod na hari. Inisip ni Samuel na isa sa pitong mas matatandang kapatid ni David ang pipiliin ng Diyos. Pero sinabi ng Panginoon kay Samuel:

“Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Hindi ako tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan koʼy ang puso.” (1 Samuel 16:7 ASND)

At ito pa ang tingnan mo, na sinabi ni Lord tungkol sa Anak Niyang si Jesus:

“Ito ang Aking minamahal na Anak, na lubos Kong kinalulugdan.” (Matthew 3:17 ASND)

Nakikita mo ba? Akala natin si Lord ay katulad natin, who looks at outward appearances. Pero alam mo ba na He’s looking at your heart—at natutuwa Siya dahil nakikita Niya doon ang Kanyang Anak? Hindi ito tungkol sa performance mo, hindi mahalaga kung gaano ka kabagsak o kung gaano kataas ang mga narating mo. Ang Diyos ay natutuwa sa iyo dahil kapag tiningnan ka Niya, nakikita Niya ang Kanyang minamahal na Anak.

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan