Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ini-Enjoy Ka Ni GodHalimbawa

Ini-Enjoy Ka Ni God

ARAW 1 NG 7

Expression ni God: 🫣 can you imagine?

When you think about the expression on God’s face, ang nakikita mo ba ay ang nakakunot ang noo, na parang hindi kuntento o disappointed sa nangyayari sa buhay mo? Alam mong maraming beses mo Siyang nabigo, kaya akala mo, hindi Siya masyadong masaya sa'yo. Nakakalungkot, but most of the movies about Jesus, ipinapakita Siyang may napakabigat na mukha, o di kaya’y may napakasungit na ugali!

Pero alam mo ba na sabi sa Bible, si Jesus ang pinakamasayang tao sa buong mundo? Basahin natin ang Hebrews 1:9, na kinukuha mula sa Psalm 45 tungkol kay Jesus: “Pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”

Naisip mo ba, kung bakit kaya ang daming bata ang laging tumatakbo palapit kay Jesus—at nahirapan pa ang mga disipulo na paalisin sila? Children are naturally drawn to happy and lively people—kaya nga magaling na business sa parties ang mga clown, magician, and mascot! Kung ganun, hindi nakakapagtaka kung bakit dinaanan lang nila sa mga Pariseo, at hindi pinansin ang mga disipulo! Pero pagdating kay Jesus, hindi sila aalis sa Kanya.

And what was Jesus’ response to them? Kung naisip mong naiirita si Jesus kapag lumapit ka na naman sa Kanya, basahin mo nang malakas itong nakasulat sa Mark 10:16: "Pagkatapos, kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.”

Ang ating Diyos ay Diyos na laging ngumingiti, and through His finished work on the cross, hindi mo kailangang matakot na magdulot ng kalungkutan o kunot ng noo sa Kanya. Ayos na ang lahat dahil ipinako Niya sa cross ang lahat ng iyong kasalanan.

Nakikita mo ba Siyang ngumingiti sa’yo?

Isa kang miracle!

Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.