Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ini-Enjoy Ka Ni GodHalimbawa

Ini-Enjoy Ka Ni God

ARAW 2 NG 7

Malayo ba o malapit si Lord? 🤔

Lumaki ka ba na ang pagiging Kristiyano ay parang listahan lang ng mga dapat at hindi dapat gawin? Hindi ko masisisi ang mga taong nahihirapan paniwalaan na talagang gusto ni Lord makipag-relasyon sa kanila, because even in the history of the Church, sometimes, the Lord and His relationship with them is viewed more of a moral code at hindi ang totoong love story Niya at ng tao.

Alam mo ba ang isang malaking pagkakaiba na itinuturo ng Biblia about the moral code and Jesus? Makikita natin ito sa John 1:17 (ASND):

“Ibinigay sa atin ng Dios ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises, ngunit ang biyaya at katotohanan ay napasaatin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.”

Ang Kautusan (law) ay hindi personal; malayo ito: ibinigay ito sa Mount Sinai through Moses. Sa totoo lang, ang Kautusan ay hindi nag-iisip kung bakit mo ginagawa ang mga bagay-bagay; its goal is simply sasabihin sa’yo kung ano ang hindi mo puwedeng gawin at kung ano ang dapat mong gawin, at parurusahan ka kapag hindi mo nasunod.

Sad to say, karamihan sa atin ay lumaki sa ganito: iniisip natin na si Lord ay parang isang heavenly police just watching for us to make a mistake, kahit sa pinakamaliit na pagkatalisod. At ang mas malupit pa diyan, kita ng Diyos lahat, kaya alam natin hindi natin siya maloloko at hindi natin matatakpan ang ating mga pagkukulang!

Pero ano’ng sinasabi ng Bibliya tungkol kay Jesus? Ang biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesus—it means, Jesus brought grace and truth when He entered this world. Nakikita mo ba? Ang Kautusan ay malayo at parang gustong maghiganti; pero si Jesus, pumasok Siya sa mundo natin, kasi gusto Niyang maging malapit sa iyo!

Tandaan mo, isa kang miracle!

Banal na Kasulatan