Ini-Enjoy Ka Ni GodHalimbawa

Spiritual things: mas malalim pa sa akala mo 🙏
Did you grow up in a culture that separates “spiritual” and “non-spiritual” (or “secular”) things? Na nagsasabing mahal mo lang si Lord when you’re singing worship songs or joining a Bible study? O kung medyo open-minded ka, baka naiisip mo na mag-worship ka pa rin sa Kanya while driving going to work—basta’t kumakanta ka o nagdadasal, kahit pabulong lang.
Pero alam mo ba? Everything that you do is an act of love for Him, kahit hindi mo ito namamalayan, if you’re a new creation in Christ. Pinalitan Niya ang iyong dating pusong naliligaw ng pusong umaapaw sa pagmamahal at pananabik sa Kanya, bawat minuto, kahit na hindi mo nararamdaman!
Tingnan mo itong verse,
“Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. (Ezekiel 36:26 ABTAG)”
Dito natin makikita kung ano ang pakiramdam Niya tungkol sa mga araw-araw nating gawain. Alam mo ba na natutuwa Siya sa bawat bagay na ginagawa mo? He is not a distant, impersonal being who feels nothing, who is just looking at us “from a distance...” Mayroon tayong Diyos na nakakaramdam ang kasiyahan at natutuwa sa atin!
Sa Proverbs 8:30-31, binigyan tayo ng isang interesting description about the life of Jesus before He was born as a man—nung Siya’y nasa tabi ng Kanyang Ama:
“Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng Panginoon. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya. Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.”
Nararamdaman mo ba? The God of the universe is focused on you! Dahil nakikita ka Niya ngayon kay Cristo, ang Kanyang kagalakan ay nasa iyo rin! Wow.
Isa kang miracle.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Ini-enjoy Ka ni God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day
Mga Kaugnay na Gabay

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Buhay Si Jesus!

Nagsasalita Siya Sa Atin

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

God Is With You

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo
