Ini-Enjoy Ka Ni GodHalimbawa

Sino ba ang natutuwa sa iyo? š¤
Letās take an honest look at our relationships. Who do you think, with all your heart, ang natutuwa sa iyo o masaya na makasama ka? Meron ba? Ang special someone mo? Friends? Family? Hopefully meron!
Nakakalungkot isipin na sa karamihan sa atin, walang bastang masabi na isang taong talagang masaya na kasama tayo. Lalo itong lumalala when we grow up without our strengths being appreciated or our weaknesses being accepted. Hindi naman ito kasalanan lang ng mga magulang o pamilya natin, dahil bawat isa sa kanila ay may kani-kanilang struggles din sa buhay. But this doesn't erase the feeling we have of being a child who grew up na parang walang natutuwa sa atin.
Pero may good news kami sa iyo. Alam mo bang si Lord ay natutuwa sa iyo?
Sinasabi ng Bibliya na labis Siyang nagagalak sa iyo. Sa katunayan, isa sa mga paborito Niyang pangalan para sa atin ay āHephzibahā, isang Hebreo na word na ang ibig sabihin ay "Ang Aking kaligayahan ay nasa kanya.ā (Isaiah 62:4).
Kung mahirap pa itong paniwalaan, OK lang. Hindi mabilis mawala ang feeling na hindi si Lord natutuwa sa iyo. But here's our challenge for you: every morning, say it aloud to the Lord, āSalamat, Lord, na ini-enjoy Mo ako.ā
The more you say this, the more na magbabago ang isip mo tungkol sa kung ano ang tingin ni Lord sa iyo. Ituloy mo lang ang practice na ito, kahit sa mga panahon na hindi mo āfeelā ang nilalaman ng linyang ito.
Tandaan mo, kahit ano pa ang mangyari sa buhay mo, hindi nagbabago ang pagmamahal ni Lord sa iyo.
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

7-day Reading Plan Patungkol sa Ini-enjoy Ka ni God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: ph.jesus.net/a-miracle-every-day
Mga Kaugnay na Gabay

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Buhay Si Jesus!

Nagsasalita Siya Sa Atin

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

God Is With You

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo
