Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 8 NG 25

Binigkas ni Maria, isang batang babeng piniling maging ina ni Jesus, ang isa sa pinakamatapang na pahayag sa Banal na Kasulatan. Bilang tugon sa anunsyo ng anghel na ang mundo ni Maria ay mapapatigil dahil sa plano ng langit, sinabi ni Maria na, "Ako'y alipin ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi."- (Lucas 1:38)

Ang "alipin" ay isang taong maaari nang makalaya ngunit piniling manatili at maglingkod sa kanyang amo. Pinili ni Maria nang maluwag sa kanyang puso ang bigyan ng pansamantalang bahay ang Tagapagligtas ng mundo sapagkat iyon ang kagustuhan ng Diyos. Nang magkabanggaan ang mundo niya sa pangunahing hangarin ng Diyos ay namatay si Maria sa kanyang sarili at nagpasakop sa Diyos Ama.

Kailan mo huling binigkas ang Lucas 1:38? May mahirap na bagay ba na hiningi ang Diyos sa iyo kamakailan lamang? Paano ka tumugon?

Kadalasan, kapag may hinihingi ang Diyos mula sa isang anak niya na ihinto ang mga naisin at pamumuhay nito ay nagkakaroon ng pagtatalo ang kalooban niya. Sa kasamaang palad, marami sa atin ay umaangal at nagrereklamo imbes na tumugon nang may maturidad at karunungan. Ang ilan sa atin ay may lakas pa ng loob na magtanong kung alam nga ba ng Diyos ang kanyang ginagawa.

Ano ang hiningi ng Diyos sa iyo? Hiningi ba niyang mahalin mo ang isang taong mahirap mahalin? Marahil ay hiningi niyang palakihin mo ang isang batang may espesyal na pangangailangan o di kaya'y paglingkuran ang isang among hindi marunong kumalinga. Naghahanap ang Diyos ng mga alipin: mga lalaki at babae na handang maglingkod sa kanya dahil sa pagmamahal. Hinahanap ng Diyos ang mga handang magpasakop sa Kanyang mga paraan at plano dahil ang mga puso nila ay lubos na pag-aari Niya. Ninanais ng Diyos ang mga lalaki at babae na hahayaang magambala ng Diyos ang kanilang maayos na buhay sa pamamagitan ng Kanyang mga planong mahirap paniwalaan! Ang tawag dito ay pagpapaalipin.

Ang malinis na puso at tunay na hangarin ni Maria ay naihayag sa pamamagitan ng kanyang mga huling salita, "Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi." Ito rin ba ang hangarin ng iyong puso? Kapag ang kalooban mo ay sumasalungat sa Salita ng Diyos, ang Salita ng Diyos ang dapat manaig anuman ang halaga nito. Gaya ni Maria, lutasin mo ngayon ang isyu ng naisin ng tao at ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Inihahayag ko, kasama si Maria, na laging matutupad sa aking buhay ang Salita ng Diyos dahil ako ay kanyang alipin.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya