Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 13 NG 25

Si Elizabet ay masyado ng matanda para magkaanak batay sa pamantayan ng tao. Wala nang kakayahan pa ang katawan niyang manganak. Kati na noong bata pa din naman si Elizabet ay wala rin siyang kakayahang magbuntis. Ngayon, bilang isang babaeng namuhay nang halos 9 na dekada, wala na talagang posibilidad na ito ay mangyari pa. Walang kahit anumang uri ng pag-asa!

Pero binuwag nang Diyos ang lahat nang makamundong pag-aalinlangan. Ang pamamaraan Niya ay mas mataas sa pamamaraan natin at Siya ay may kakayahang buwagin ang limitadong kakayahan natin.

"Ngayon ang panahon ay dumating na kay Elizabet na manganak ..." Tunay ngang ang "panahong" ito ay hindi itinalaga ni Elizabet. Ang Diyos ang nagtalaga ng panahon sa pagsagot sa mga dalangin, dahil ang misyon Niya ay kailangang matupad at para maipakita ang mga milagro. Huwag mong hayaan na kahit sa isang segundo man ay maniwalang ang Diyos ay nakakalimot sa iyo o hindi Niya naririnig ang mga panalangin mo. Kung ang itinalagang panahon ng Diyos ay dumating na, ipapanganak mo ang lahat nang plano ng Diyos para sa iyo.

"Narinig ng mga kabitbahay at mga kamag-anak niya ang matinding habag na ginawa ng Diyos sa kanya; at lahat sila ay nagalak sa kanya.”

Maraming mga pagkakataong naniniwala ako na ang tugon ng Diyos sa aking desperadong mga panalangin ay "Maghintay" upang maipahayag ang kanyang kaluwalhatian kaysa sa kasiguraduhan na magagawa ng tao. Karamihan sa mga kababaihan ay nagdadalang-tao sa murang edad, pero kakakailanganin ng milagro ng Diyos para maranasang manganak ang isang babaeng nasa ikawalong dekada na ng kanyang buhay!

Naiiisip niyo ba ang kagalakan ng kanyang mga kamag-anak at mga kapitbahay? Naguguni-guni niyo ba ang isang eksena na sumasayaw ang mga kababaihan sa kalye? Natatanaw mo ba kung paano tumataas ng kamay ang mga kaibigan niya sa pagpupuri sa kay Yahweh?

Habang si Juan ay kalong ng mga braso ng nanay niya, at habang nakatingin ang nasa halos 100 taong mga mata ni Zacarias sa kanyang sanggol, ang Diyos ay naluluwalhati. Ang mga panalangin ay nasasagot. Ang kuwento nila ay kakasimula pa lamang.

Ang kuwento ni Elizabet at Zacarias ay isang panawagan na mamuhay nang matuwid, at ito ang pangakong natutupad sa matiyagang nananalangin. Magaling ang Diyos sa pagtupad ng lahat ng naaayon sa iyo. Ang parte niya ay ang gumawa ng mga milagro ... ang parte mo ay ang magdasal nang walang patid at mamuhay bang kalugod-lugod sa kanyang puso.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya