Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 12 NG 25

Natutuwa akong panoorin ang mga tao sa buong taon, pero ang pinakaakit-akit sa akin ay ang panahon ng Pasko. Tuwing ako ay nasa tanggapan ng koreo, naghihintay na mapadala ang mga binalot at kard, nagmamasid ako nang maigi at nakikinig nang palihim sa mga usaping bakasyon at pagkabigo. Habang ako'y nasa mall, para hindi mainip, ay natutuwa ako habang nakatuon ang atensiyon ko sa mga taong abala sa pamimili ng mga regalo at naka-sale na paninda.

Gusto mo bang samahan akong makinig nang palihim sa isa sa mga napakaluwalhating usaping Pasko sa buong kasaysayan? Naniniwala ako na ang isang pagkakataong ito ay magbabago ng iyong puso magpakailanman!

Pagkatapos ni Elizabet na pagpalain ang Sanggol na Lalaki sa sinapupunan ng birhen na si Maria, nagsimulang sumamba si Maria sa Panginoon. Naging napakatindi ng tugon niya ng pagsamba at taus-pusong pagtatangi! Namamangha ako minsan kung, habang nagsasambit ng papuri, napaluhod siya at tinataas ang mga kamay pataas sa langit!

"Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon!" Ang simpleng madamdaming pangungusap na ito ay ang mga unang salita na nanggaling sa bibig ni Maria sa harap ni Elizabet. Ang mga piling salita ni Maria ay nagiging maganda kung mapagtanto natin na ang espiritu ay ang kapanganakan ng damdamin, emosyon, sama ng loob, at mga ninanais. Wala sa estado ng pagkalito o pagtanggi ang kaluluwa ni Maria – ipinahahayag niya ang katotohanan sa kabila ng kahit ano pa mang sitwasyon o kaganapan, ang kanyang mga emosyon at mga ninanais ay parating magdadala sa kanya sa lugar ng pagsamba.

"At ang aking espiritu ay nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas." Ang kaluluwa at ang espiritu ni Maria ay nagkakaisa sa magandang duweto ng pagpapasalamat. Ang espiritu ay ang lugar kung saan ang nakikita ang kalooban ng tao na nagnananais sa Panginoon at ang lahat nang nasa Kanya. Ang espiritu ay ang lugar kung saan namumuhay sa pananampalataya at hindi sa nakikita. Sa lugar na ito kung saan ang buhay ni Maria ay patly na nakikiugnay sa Banal na Espiritu, ang tugon ay pareho: taimtim na kagalakan!

Paano ka tumutugon sa mga pangyayari o kaganapan na hindi mo naiintindihan o marahil hindi mo pinili? Ano ang pinagkakaabalahan ng kaluluwa mo sa panahon ng Pasko? Ang kaluluwa mo ba ay hindi mapigilang gumastos, kumain, o mainip? O baka ang kaluluwa mo ay mas piniling maging kagaya ni Maria na itinataas ang Panginoon?

Ang panalangin ko ay ang kaluluwa at espiritu mo ay luluhod at itataas ang iyong mga kamay at boses patungong langit!

“Ang kaluluwa ko'y nagpupuri sa Panginoon! At ang espiritu ko ay nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligas."

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya