Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 10 NG 25

Si Jose ay isang matuwid na tao ... mabuti ... at mahabagin. Ang kahulugan ng salitang "matuwid" sa berso 19 ay nakasalin sa Griego ng ganito: "ginagamit sa pagsasalarawan ng isa na sa pag-iisip, damdamin at gawa ay ganap na tumatalima sa kalooban ng Diyos."

Hindi nagdedesisyon si Jose batay sa kung ano ang pinakakapaki-pakinabang para sa kanya. Ang mga desisyon niya ay mula sa pananalig sa perpekto at banal na kalooban ng Diyos. Mahalagang leksiyon ang natutunan ni Jose noong unang Pasko: ang ipagbunyi ang Tagapagligtas ay hindi ukol sa pagbibigay-layaw sa sariling mga hangarin at kagustuhan – ito ay tungkol sa paggawa ng kahit na anong kinakailangan upang magiliw na tanggapin ang Cristong Sanggol sa iyong buhay.

Kinakailangang magising tayong lahat sa katotohanang ito ngayong Pasko. Ang Pasko ay hindi tungkol sa aking mga damdamin, kalagayan, o sa kaginhawahan ng aking pamilya at mga kaibigan. Ang Pasko ay mula't sapul pa'y tungkol sa pagbibigay-puwang kay Cristo sa aking buhay.

Ang mga madunong at mahabaging plano ni Jose ay naantala ng isang anghel ng Pasko! Kay sayang isipin na kahit na pinipili natin ang pinakamainam nating gawain, ang mga pamamaraan ng Diyos ay labis na mataas kaysa ating mga pinakamabuting intensiyon. Ang Pasko ay panahon na inaantala ng mula-sa-langit na Pinakamabuti ang ating panlupang mabuti.

Inantala ba ng Diyos ang iyong buhay kamakailan lang? Sana ngayong Pasko ay maging hangad mong siyasatin ang iyong pamumuhay at sa ganoon ay mapagtanto na karapatan ng Diyos na gambalain ang iyong makamundong buhay. Karapatan ng Diyos na ipakita sa iyo ang mas mainam na pamumuhay dahil kahit ang pinakamagaling na desisyon mo ay hindi maihahambing sa inihanda ng Diyos para sa iyo!

Si Jose ba ay isang ordinaryong lalaki lang na umibig sa isang ordinaryong babaeng nagngangalang Maria? Oo...at hindi! Palaging may hindi-pangkaraniwang plano ang Diyos para sa mga pumipiling mamuhay nang may walang-pagkompromisong katuwiran. Hangarin ng Diyos ang gamitin ang bawat isa sa atin upang maihayag si Cristo sa bawat henerasyon.

Kung inaakala mo na ang Pasko ay ukol lang kay Jose at Maria ... maling-mali ka. Para ka na lang sina Grinch at Ebeneezer Scrooge sa iyong palagay tungkol sa Pasko. Ang nais ng Diyos ay maisilang ang Pasko sa pamamagitan mo sa puntong ito ng kasaysayan. Ikaw ay narito upang ihayag ang pagkatao at puso ng Diyos. Iyan ang gawain ng matutuwid - hindi lang tuwing Pasko ngunit 365 araw sa isang taon.
Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya