Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 4 NG 25

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, taong 1914, ay nagdaraos ng Bisperas ng Pasko ang mga sundalong Bretanya sa gitna ng labanan sa Pranses. Makalipas ang apat na buwang labanan ay mahigit isang milyong tao ang namatay sa madugong sagupaan. Ang mga bangkay ng mga sundalo ay nagkalat sa pagitan ng mga kanal ng magkalabang hukbo.

Doon sa gitna ng nagyeyelong labanan sa Pranses nangyari ang isang himala! Namangha ang mga sundalong Bretanya nang lumitaw sa ibabaw ng kanal ng Aleman ang mga punong naiilawan ng mga kandila.

“Mula sa pader ng mga Aleman, isang mayamang boses na bariton ang nagsimulang umawit ng isang awit na naalala kong inaawit sa akin ng aking nars na Aleman ...ang malalim at matamis na tinig niya ay pumaitaas mula sa nagyeyelong ambon. Lubhang kakaiba ang lahat ...na para bang ako ay nasa ibang mundo," ang isinulat ng isang sundalong Bretanya sa kanyang diary.

"Silent Night, Holy Night. All is calm. All is bright.”

Nang matapos sa pag-awit ang mga sundalong Aleman ay nagpasyang gumanti ang mga Bretanya. Ngunit sa halip na gumanti ng dagundong ng kanyon ay umawit ang mga sundalo ng Inglatera,

“The first noel, the angels did say, was to certain poor shepherds in fields as they lay ...”

Nang matapos umawit ang mga masasayang lalaki mula sa Inglatera, "Born is the King of Israel!”, nagsimulang pumalakpak ang kaaway at sila ay umawit ng isang nakakagising na salin ng "Oh Tannebaum!"

Nang magsimulang umawit ang mga sundalong Bretanya ng, “Oh Come All Ye Faithful!”, ay doon na dali-daling sumali ang mga Aleman. Umaawit sila kasama ang kanilang mga kaaway.

Lubhang pambihira ang pangyayaring ito sa gitna ng madugong labanan! Ang dalawang magkaaway na bansa ay umaawit ng parehong Christmas Carol sa gitna ng mabagsik na labanan. Nakatala ang pagbati sa isa't isa ng mga magkakaaway na sundalo sa lupaing pinag-aagawan na ilang minuto lang ang nakakaraan ay naging lugar ng patayan. Nagbatian ng Maligayang Pasko ang mga sundalo sa isa't isa at nagkasundo silang huwag magpaputok sa Araw ng Pasko.

Libu-libong sundalo ang nagdiwang ng kapanganakan ng Prinsipe ng Kapayapaan sa gitna ng mga bangkay.

Isang boses ang nagsimulang umawit ng "Silent Night" sa Pranses ...at siya ay sinalihan ng isa pang boses na umaawit sa Aleman ...at sa huli ay sa Ingles na ang mga salita.

Kanino ka kailangang makipagbati ngayong kapaskuhan? Ikaw ba ay nasangkot sa isang mabagsik na labanan na umuubos sa mismong buhay ng iyong puso? Ang Pasko ay isang sandali sa kasaysayan kung kailan likas na posible ang kapayapaan dahil sa Sanggol dumating upang magdala ng kapayapaan sa lahat ng kapanahunan.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya