Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 6 NG 25

Si Maria ay nagulumihanan! Isang hindi-kilalang lalaki ang pumasok sa kanyang silid na nangusap tungkol sa kaluguran ng Diyos at pagbati! Sino siya at ano ba ang pinagsasabi niya?

Halos naririnig ko ang matulin na tibok ng puso ni Maria habang sinisikap unawain ang nangyayari sa kanya noong araw na iyon.

Habang patuloy na binibigkas ni Anghel Gabriel ang mensahe ng langit sa dalaga, marahil nawala ang takot niya at isang pagtantong may kababaang-loob ang bumalot sa kanyang puso.

"Ako?! Pinili ako ng Diyos?! Ako ang napiling magdalang-tao ng anak ng Diyos? Ina ng Mesias?"

Para kay Maria ang Pasko ay ukol sa pag-unawa na ang mga pamamaraan ng Diyos ay labis na mas mataas kaysa ating pamamaraan. Natutunan ni Maria, at marapat din nating matutunan, na kapag ang Banal ay lumusob sa sangkatauhan ... ang Banal ay palaging nagwawagi! Ang Pasko ay pagpapaalala sa akin ... at sa iyo ... at maging kay Maria ... na ang mga pamamaraan ng Diyos ay labis na mas mataas at mas mainam kaysa anong maaari nating isipin o kuruin.

Ang Pasko ay walang kinalaman sa mga duwendeng nagsasayawan, usang reno na may mga pulang ilong at mga taong-niyebe na kumakanta. Ang Pasko ay ukol sa isang paglusob! Nangyayari ang Pasko sa sandaling ang liwanag ng langit ay lumulusob sa kadiliman ng mundo!

Hindi maiiwasan kahit ng mga pinakamakasalanang makasalanan ang pagnilay-nilayan ang pagbating hatid ng kuwento ng Pasko. Isa lang ang maaaring totoo: ang Pasko ay isang tahas na kasinungalingan o ang tugatog ng katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian.

Mamili ka kung ang sabsaban ay marapat lang isama sa mga duwende, sa mapagpatawang San Nicolas at mga nagliliparang usang reno ... o kung ito ay lubos, banal at walang hanggang katotohanan.

Ang Pasko ay hindi ukol sa damdaming mala-piyesta na nararanasan natin matapos ang Araw ng Pasasalamat, na humihimok sa atin na mamili, gumastos at kumain. Ang Pasko ay ukol sa Banal na Espiritu na naghahatid ng kapayapaan at kagalakan sa kaguluhan ng mundo sa pamamagitan ng isang Sanggol na Lalaki. Ito ay ukol sa kapangyarihan ng katotohanan ng langit na salakayin ang isang buhay. Ang Pasko ay nagsisimula sa sandaling napagtanto ng isang tao na matagal nang nariyan sa loob niya ang pag-asam na balutin siya ng kalahatan ng katauhan ng Diyos at ng lahat ng Kanyang mga gawa!

Nangyari kay Maria ... maaari ring mangyari sa iyo! Siguro isang angkop na panalangin ngayong Pasko ang, "Banal na Espiritu! Takpan mo ako! Takpan mo ang aking mga mithiin, kagustuhan at opinyon! Pagsilangin mo ang bago at engrandeng bagay sa akin! Likhain mo sa akin ang makapagbabago ng henerasyon na ito para sa Kaharian ni Cristo!"

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya