Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 3 NG 25

Noong kapanahunan ni Elisabet, karaniwan lang sa mga nagbubuntis ang hindi muna makihalubilo sa iba kapag lumaki na ang tiyan. Ngunit nasusulat sa Biblia na si Elisabet ay tumigil na sa pakikihalubilo nang magsimula pa lamang ang kanyang pagbubuntis.

Ilang ulit ko nang napagbulayan kung bakit kaya napili ni Elisabet na tumigil sa pakikihalubilo nang mas maaga kaysa sa kostumbre ng kanilang kultura. Nailalarawan kong ihinahanda ni Elisabet ang kanyang puso para sa mga plano ng Diyos. Maaaring punong-puno ng pasasalamat at pagkamangha si Elisabet kaya't alam niyang pinakamataas na prioridad ang paghahanda para sa pagiging isang ina.

Nakikinita-kita ko ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga pisnging kulubot habang nananalangin ng, "Panginoon! Isang himala! Isang dalisay na himala ang ibinigay Ninyo sa amin!"

Nailalarawan ko si Elisabet, pilipit at artritiko ang mga daliri, habang tuwang-tuwa sa paggawa ng mga maliliit na kumot at pananahi ng mga mumunting mga kasuotan, puso'y nag-uumapaw sa Diyos ng Sangkalawakan, "Panginoon, ihanda po Ninyo ako para sa inihahanda ninyo para sa akin!"

Naniniwala ako na noong mga tahimik ngunit may-galak na araw na iyon, nagmumuni-muni ang puso ni Elisabet at nag-uumapaw ng pasasalamat. Noong mga panahong iyon, malamang desidido siyang baguhin ang kanyang mga kinaugalian sa kaiga-igayang paghahanda na maging ina ng isang magiging tanyag na lalaki. Ihinahanda ni Elisabet ang puso niya para sa araw ng panganganak at pagpapala.

Ngayong Kapaskuhan, ano ang kailangang ipaghanda ng iyong puso? Kailangan mo bang baguhin ang ilang kinaugalian upang mabigyang-daan ang itinadhana ng Diyos para sa iyo? Dahil ang mga tinatawag Niya na gumawa ng mga dakilang bagay ay Kanya ring ibinubukod sa Kanyang presensiya.

Pasko ang panahon ng pag-asa at mga himala, at ito rin ang panahon ng paghahanda para sa tinadhana ng Diyos. Panalangin kong ikaw ay kumubli sa presensiya ng Diyos itong araw na ito at sa bawat araw pang susunod ngayong panahon. Imbis na balutin ang sarili sa kaabalahan at luho, mamaluktot sa Kanyang pagmamahal sa iyo at hingin sa Kanya ang ipakita ang itinadhana para sa buhay mo.

Nais ko na ikaw ay manalangin kasama ko at ni Elisabet ng, "Panginoon, ihanda po Ninyo ako sa inihahanda Ninyo para sa akin."
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya