Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang PaskoHalimbawa

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

ARAW 17 NG 25

Isang araw na nagsisimula pa lamang ang buwan ng Nobyembre, umuwi si David Taylor mula sa paaralan na malungkot at pinanghihinaan ng loob. Habang tumutulo ang luha sa kanyang mukhang may pekas, sinabi niya sa kanyang ina na sinabihan siya ng kanyang guro na hindi siya maaaring kumanta sa kanilang palatuntunan para sa Pasko.

"Nakakainis daw ako at napakalakas ko raw kumanta," paliwanag ni David habang siya'y umiiyak.

Nakaupo ang ama ni David sa kanilang salas at nagbabasa ng pahayagang panghapon at narinig niya ang pighati ng kanyang anak. Nagngangalit sa galit si G. Taylor. Paanong magagawa ito ng kahit sinong guro sa kanyang anak?Napagpasyahan ni G. Taylor na tulungan ang kanyang anak na matutong umawit. Pagkatapos ng hapunan nang gabing iyon, dinala niya si David sa salas at pinatayo niya sa tabi ng piyano ng pamilya. Nagsimulang tugtugin ni G. Taylor ang pamilyar na awiting "It Came Upon a Midnight Clear". Nang ibinuka ni David ang kanyang bibig, isang tunog-pusang tili ang lumabas.

"David, bahagi ng pag-awit ay ang pakikinig. Makinig ka...pagkatapo ay doon ka umawit.." ang turo ng matiyagang ama.

Ang pangalawang pagsubok ni David ay mas malala pa kaysa sa kanyang una! Ngunit nang ang kanyang ama ay natutukso nang sumuko, naisip niya ang malupit na guro at napagtanto niya, "Kung hindi ito gagawin ng isang ama, sino pa ang gagawa?"

Ang mga araw ng Nobyembre ay lumipas hanggang mag-Disyembre, samantalang sina G. Taylor at si David ang ginugol ang bawat gabi sa piyano at paulit-ulit sa pag-aaral ng himig ng awit. "Peace on earth good will to men..."

Nang dumating ang araw na umawit si David para sa kanyang guro, sinabi niyang maaari na siyang sumali sa palatuntunan! Si David ay nasa harap at nasa gitna ng mga nasa ikatlong grado ng mga mag-aaral na kasali sa konsiyerto para sa Pasko. Para siyang anghel at nasa tono habang sa pagtatapos ng awit ay naroon ang maluwalhating kaisipang ibinibigay nito, "The world in solemn stillness lay to hear the angels sing!

Sa bisperas ng Pasko, sumilip sa labas ng bintana nila si G. Taylor at nakita niya ang anak niyang naka-pajama pa habang nakatingala sa langit.

Tahimik na lumabas ng pintuan nila sa harap ng bahay ang ama at niyakap si David nang hindi nagsasalita. Sumandal ang anak sa dibdib ng kanyang ama at sinabi, "Ang mundo ay tahimik, Dad. Tulad ng sinasabi sa awitin."

"Naririnig mo ba sila, Dad? Naririnig mo ba ang mga anghel na umaawit? Naririnig ko sila...naririnig mo ba sila, Dad?"

Akala ng ama ay tinuturuan niya ng isang magandang awitin ang kanyang anak para sa kapaskuhan, subalit ang talagang nangyari ay tinuruan sila ng batang maliit na ito upang sila'y makinig...pakinggan ang awit ng anghel.

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Joy! to Your World! A Countdown to Christmas

Ang Pasko ang panahon kung kailan natin inaasahan ang pagdating ng kalangitan sa ating maalikabok at maruming mundo. Ang Pasko ay ang panahon na nagpapaalala sa ating lahat na tunay ngang may nagaganap na mga himala, na ...

More

Nais naming pasalamatan si Carol McLeod at ang Just Joy Ministries sa pagbibigay ng debosyonal na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: www.justjoyministries.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya