Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang PagbabagoHalimbawa

A Biblical View On Social Change

ARAW 5 NG 5

Pagtatagumpay

Hindi nalulugod si Jesus na ang mga tao ay manatiling may pangangailangan. Makikita natin ito mula sa Ebanghelyo ni Marcos. Siya ay nahahabag sa kanila at nais na makita ang mga ito ay napakain. Gayunman, ang kanyang pamamaraan ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nya sa mga disipulo. Sila ay may mahalagang papel na ginampanan sa paghahanap ng pagkain, na kung saan ay pagkatapos maparami, ay ibinahagi ang mga iyon sa mga tao.

Nais ni Jesus na kilalanin natin ang mga mapagkukunan ng yaman na ibinigay na ng Diyos sa atin at sa iba, hindi man ito sapat sa ating palagay, at ito ay ipamahagi sa kanilang mga pangangailangan.

“Kailangan ni Jesus ang mga bagay na maaari nating ibigay sa kanya. Maaaring itanggi ng sanlibutan ang himala at ang mga katagumpayan dahil hindi natin ibinigay kay Jesus ang lahat ng meron tayo at kung ano tayo. Kung ialay lamang natin ang ating mga sarili sa paglilingkod sa kanya, wala ng magsasabi kung ano ang kaya nyang gawin sa atin at sa pamamagitan natin. Tayo ay puwedeng magdalamhati o kaya ay mapahiya dahil wala tayong naibigay – at ito nga ay tama; ngunit hindi ito dahilan para hindi natin ibigay kung ano ang mayroon tayo. Ang kaunti ay palaging marami sa mga kamay ni Cristo.”
-William Barclay

Magnilay:

Paano nais ni Jesus na makipagtulungan sa atin para sa kapakanan ng iba? Ano ang mga tanging hakbang na maaaring hilingin ni Jesus sa atin upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa atin?

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

A Biblical View On Social Change

Maraming grupong Cristiano ang nakatuon sa pagtugon sa mga espirituwal o pisikal na pangangailangan. Ano nga ba dapat ang ating mga priyoridad bilang mga Cristiano? Ano ang matutunan natin mula sa Biblia tungkol sa paksa...

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya