Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang PagbabagoHalimbawa

A Biblical View On Social Change

ARAW 4 NG 5

Panustos

Maaari ka bang mag-isip ng isang pagkakataon kung kailan naramdaman mong natatabunan ka na dahil sa laki o tindi ng pagsubok o gawaing kinakaharap mo? Ano ang pakiramdam nito? Ano ang ginawa mo?

Naramdaman din ito ng aking kaibigang si Mary. Mahirap ang buhay sa Uganda para sa kanya. Nawala ang kanyang asawa, at naiwan siyang kasama ng kanyang apat na anak. Namuhay sila sa isang kubong yari sa putik na may bubong na pawid, at mayroon lamang silang isang kambing. Nagtrabaho si Mary tuwing kaya niya at kumita ng maliit na halaga, ngunit hindi ito naging sapat at laging gutom ang kanyang pamilya. At lalong walang natitirang pampayad para sa matrikula ng kanyang mga anak.

Isang araw may narinig si Mary tungkol sa pag-aaral ng Biblia sa kanyang lokal na simbahan. Dumalo siya kahit hindi pa siya mananampalataya. Noong narinig niya kung paanong pinakain ni Jesus ang limang libong tao sa isang araw, napagtanto niyang may malasakit ang Diyos para sa mga taong nagugutom! Tiningnan sa pag-aaral kung paanong hinikayat ni Jesus ang kanyang mga alagad na magtulungan sa isa't isa upang tiyaking mapapakain ang lahat. Kasama ng iba pa, nagkaroon si Mary ng inspirasyong simulan ang pagpaplano ng ibang klaseng hinaharap kasama ng kanyang mga anak.

Sinimulan ni Mary at ng kanyang pamilyang magtanim upang maibenta nila ang mga ito at nakaipon sila ng sapat na pera upang makabili ng ilang manok, pagtapos ay ilang baboy, at sa wakas ay nakabili sila ng dalawang baka. Malaki ang naging epekto nito sa kanilang mga buhay: isang balanseng diyeta, sapat na pananamit, pang-matrikula, mas magandang tirahan, at gamot kapag nagkakasakit.

Masigla na si Mary ngayon. Namumuhay siyang malapit sa Panginoon at nakita niya kung paanong siya at ang kanyang pamilya ay tinulungan ng Panginoong matustusan ang kanilang mga sarili.

Magnilay:

Habang pinag-iisipan natin ang mga hamong kinahaharap ng ating sariling komunidad at ang sarili nating kakulangan, ano ang mga partikular na bagay na nakakapagpalakas-loob sa atin mula sa kuwentong ito?

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

A Biblical View On Social Change

Maraming grupong Cristiano ang nakatuon sa pagtugon sa mga espirituwal o pisikal na pangangailangan. Ano nga ba dapat ang ating mga priyoridad bilang mga Cristiano? Ano ang matutunan natin mula sa Biblia tungkol sa paksa...

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya