Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Isang Biblikal na Pananaw ukol sa Panlipunang PagbabagoHalimbawa

A Biblical View On Social Change

ARAW 3 NG 5

Pag-aalay ng Sarili

Sa babasahin ngayong araw (Marcos 6:35-36), natatagpuan natin ang mga alagad sa kalagayang katulad na katulad nang kinahaharap natin sa ating paglalakbay kasama ni Jesus ngayon.

Napagod ang mga alagad sa mga pangangailangang hinihingi ng pagsunod kay Jesus at paglilingkod sa kapwa, kaya ninais nilang magpahinga. Pagkatapos, ang kanilang maikling pamamahinga ay naantala pa ng malaking pagtitipon ng mga tao, na walang duda, maraming pangangailangan.

Nang paparating na ang gabi, nabahala ang mga alagad dahil tila wala pang balak umalis ang mga taong nagtitipon kahit na sila'y nasa ilang na lugar at walang pagkain. Ang una nilang reaksyon ay makiusap kay Jesus na paalisin ang mga tao, dahil wala naman silang magagawa.

Madalas ganito rin ang nais nating gawin sa mga taong may mga pangangailangang lampas sa kakayahan nating tugunan ang mga ito. May pagkiling tayong pagtuunan ng pansin ang mga problema imbis na ang mga posibilidad. Tulad ng mga alagad, gusto nating ipasa ang buong problema kay Jesus upang Kanyang lutasin, sa halip na itanong sa Kanya kung paano natin sama-samang mapagtutulungan ito. Marami sa ating mga panalangin ay tulad ng paghiling ng mga alagad—Jesus, hinihiling naming kunin mo ang responsibilidad na ito mula sa aming mga kamay!

Magnilay:

Kung wala ang katapatan ng Diyos, mahihirapan tayong magpatuloy nang walang pag-asang magbabago ang buhay kailanman. Ngunit ang Salita ng Diyos ay itinanim sa puso ng mga naniniwala, at ibinigay nito sa atin ang pagnanais na makipagtulungan sa isa't isa upang makita natin ang Kanyang kapangyarihang nakakapagpanibago.

Limitado lamang ang yaman ng mga alagad ngunit pinarami ni Jesus ang mga ito upang mapakain ang napakalaking grupo ng mga tao. Ano bang mga yaman ang mayroon ka na maaaring paramihin ng Diyos at gamitin upang mabiyayaan ang iyong komunidad? Maaaring hindi mga materyal na bagay lamang ang mga ito, kundi kahusayan o panahon.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

A Biblical View On Social Change

Maraming grupong Cristiano ang nakatuon sa pagtugon sa mga espirituwal o pisikal na pangangailangan. Ano nga ba dapat ang ating mga priyoridad bilang mga Cristiano? Ano ang matutunan natin mula sa Biblia tungkol sa paksa...

More

Nais naming pasalamatan ang Tearfund sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: http://www.tearfund.org/yv

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya