Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

LAHAT NG BIYAYANG ESPIRITWAL
Kay Cristo, binigyan tayo ng Diyos ng napakaraming pagpapala. Binigyan Niya tayo ng kaligtasan, matalik na relasyon sa Kanya at pag-asa para sa habang panahon.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:3
BASAHIN: Juan 1:9-17
Sariwain sa alaala ang mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos kay Cristo. At sandaling pasalamatan Siya para sa bawat isang biyaya.
MALING PANANAW: Sana mayroon din akong biyayang kagaya ng natatanggap niya!
TAMANG PANANAW: Tumanggap tayong lahat na anak ng Diyos ng napakaraming pagpapala kay Cristo (Juan 1:16). Kailangan kong gunitain ang kamangha-manghang biyayang ipinagkaloob sa akin at ipamuhay ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More