Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

MINAMAHAL
Ang malalim na pagmamahal ng Diyos para sa atin at ang tunay na hangarin Niya para sa ating kapakanan.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:4-6
BASAHIN: Mga Taga-Roma 5:1-11
Ang pagmamahal na ito ay naipamalas sa pasya ng Diyos sa habang panahon na gawin tayong bahagi ng Kanyang pamilya balang araw. Ang Diyos ay pag-ibig. Sa paanong paraan mo nakikita ang pagmamahal at kagandahang-loob ng Diyos — sa Biblia at sa iyong buhay?
MALING PANANAW: Walang masalakit ang Diyos sa akin. Pinabayaan Niya ako, o di kaya ay nakalimutan o inayawan Niya ako.
TAMANG PANANAW: Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang dakilang pagmamahal sa akin sa pamamagitan ng pag-ampon Niya sa akin sa pamilya Niya. Ipinadala din Niya si Jesus upang maisakatuparan ito. Walang anumang kalagayan ko ang magbubura ng pagmamahal ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More