Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

BANAL AT WALANG SALA
Ibinukod para sa Diyos, at pinalaya mula sa mga paratang.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:4
BASAHIN: 1 Mga Taga-Tesalonica 5:16-24
Tayo ay banal, at dapat maging banal. Isang araw, tayo ay magiging lubos na banal at walang-sala. Pinili tayo ng Diyos para sa layuning ito, at hindi Siya mabibigo. Paano makakatulong sa iyo ang kasiguruhang ito sa iyong pakikipaglaban sa kasalanan?
MALING PANANAW: Hindi ko na mapagtatagumpayan ang aking kasalanan! Mabuti pang sumuko na lang ako.
TAMANG PANANAW: Ako ay banal na, at walang sala kay Cristo, at patuloy ang Diyos sa paggawa ng kabanalan sa buhay ko dahil pinili Niya ako para sa layuning ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More