Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

INAMPON
Ang pag-ampon ay ang legal na pagkupkop sa isang batang hindi ganoon ang estado pagkapanganak.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:4-6
BASAHIN: Mga Taga-Galacia 4:1-7
Kapag inampon tayo ng Diyos, tinatanggap Niya tayo sa pamilyang espiritwal kay Cristo. Kapag inampon ang isang bata sa bagong pamilya, maaaring mangailangan ito ng pagbabago ng pamumuhay — maging sa pananalitang kanilang kinalakihan. Kay Cristo, pinili ka ng Diyos upang maging bahagi ng Kanyang pamilya. Ikaw ay Kanya. Ano ang mga pagbabago sa ating pananaw at mga kilos na magbubunga mula sa ating pagkakaampon sa pamilya ng Diyos?
MALING PANANAW: Kailangan kong mamuhay na parang alipin.
TAMANG PANANAW: Inampon ako ng Diyos. Anak Niya ako, at kailangan ko Siyang parangalan bilang aking Ama.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More