Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

KAPAYAPAAN
Ang lubusang pakiramdam at aktwal na kagalingan sa lahat ng aspeto ng buhay.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:2
BASAHIN: 2 Mga Taga-Tesalonica 3:16-18
Alam ni Horatio Spafford, na nagsulat ng “It Is Well With My Soul”, ang kapayapaang ito sa kabila ng kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang apat na babaeng anak. Sinulat niya ang awit na ito habang naglalayag malapit sa lugar kung saan lumubog ang kanilang barko. Anong aspeto ng buhay mo ang nangangailangan ng kabutihan, ng kapayapaan ng Panginoon?
MALING PANANAW: Ang kapayapaan ay nakasalalay sa aking kalagayan.
TAMANG PANANAW: Ang kapayapaan ay nakasalalay kay Cristo. Sa pamamagitan ni Cristo, binibigyan ako ng kapayapaan ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More