Tatlumpu't Isang Katotohanan: Sino Ako Kay CristoHalimbawa

TINUBOS
Ang pagtubos ay ang muling pagbili, ang pagbawi mula sa suliranin, o ang pagkakaligtas.
BASAHIN: Mga Taga-Efeso 1:7-10
BASAHIN: Mga Hebreo 9:11-14
Tinubos ni Cristo ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus para sa kanilang kasalanan, upang makamit ang kapatawaran para sa kanila. Sa patuloy na pag-unawa natin sa ginawa ng Diyos para sa atin kay Cristo, nag-uumapaw sa pasasalamat at papuri ang ating mga puso. “Salamat po, Panginoong Diyos, sa pagtubos Mo sa akin!” Sa anong mga kasalanan ka isinalba ng Panginoong Jesus? Anong klaseng tugon ng puso at pamumuhay ang nararapat dahil dito?
MALING PANANAW: Iniwan ako ng Panginoon sa aking pagdurusa. Marahil ay hindi Niya ako masyadong pinahahalagahan.
TAMANG PANANAW: Tinubos ako ng Panginoon mula sa pinakamatinding paghihirap na pwede kong maranasan — ang kasalanan na nagdadala sa walang hanggang kamatayan. Nararapat akong mamuhay nang may pasasalamat.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Isang sulyap sa kung paanong inilalarawan ng Mga Taga-Efeso 1-2 ang ating bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Ang gabay na ito na mula sa Thistlebend Ministries ay hihimok sa atin na lubusang ipamuhay ang bagong pagkakakilanlan na ibinigay Niya sa atin.
More