Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano Ito? Yakapin ang mga Regalong Hindi Mo HinilingHalimbawa

What Is This? Embracing the Gifts You Didn't Ask For

ARAW 5 NG 5

Tulad ng ng pagkadismaya ni Jose na muntik nang maging dahilan para hindi niya matanggap ang regalo ng Diyos, ang ating kaabalahan ay maaaring makapigil sa mga bagay na pinananabikan ng Diyos na ibigay sa atin. 

Sinabi ng Biblia sa Juan 1;14, "Ang Salita ay naging tao at nanirahan kasama tayo." 

Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak upang mamuhay sa atin, pero hindi pa rin nila Siya nakita. 

Wala silang silid sa kanilang lugar para sa Kanya tulad nalang nang wala tayong lugar sa ating kalendaryo para sa Kanya, at dahil hindi Siya nagpakita sa kanilang buhay tulad ng kanilang iniisip, marami ang hindi nakakita sa Kanya. 

Inaasahan natin ang Diyos na hanapin tayo at pagpalain tayo, ngunit ang mga pantas na lumapit kay Jesus bilang isang sanggol ay makapagpapakita sa atin ng mas mahusay na daan para lumapit sa Diyos ngayong Pasko.

Niyakap ng mga pantas ang hirap ng paglalakbay ng libo-libong milya para makita si Jesus, at kahit na ang mundo ay naghahanap ng mandirigma, pinili ng mga pantas na salubungin and hindi inaasahang regalo na isang sanggol. 

Hindi nila hiningi kay Jesus na gumawa ng isang himala para patunayan kung sino Siya bago nila Siya sambahin, at hindi sila nagpakita para humiling kung ano ang kayang gawin ni Jesus parasa kanila. 

Ang pagkaunawa nila kung sino Siya ay higit na mahalaga kaysa sa kung ano ang kaya Niyang gawin para sa kanila.

Sabi sa Isaias 9:6, "Dahil ipapanganak ang sanggol para sa atin, ang anak ay ibibigay sa atin, at ang gobyerno ay mapupunta sa kanyang mga balikat. Papangalanan Siyang Kahanga-hangang Tagapayo, Dakilang Diyos, Ama na Walang-hanggan, Prinsipe ng Kapayapaan."

Kahit hindi baguhin ng Diyos ang ilan sa mga sitwasyon mo ngayong taon, ang hiwaga ng Pasko ay kung sino Siya ang talagang nagbabago ng lahat ng bagay. 

Sa kaguluhan, Siya ang kapayapaan. 

Sa pagkalito, Siya ang karunungan.  

Sa kadiliman, Siya ang liwanag.

Sa kahirapan, Siya ang pag-asa.

Huwag mong hayaan na ang abala mong oras ang maglayo sa iyo para maranasan ang pinaka-dakilang regalo ngayong Pasko. Magpahinga sa mga paga-alala na kasama ngayong taon at sambahin ang Diyos na kasama sa lahat ng ito. 

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

What Is This? Embracing the Gifts You Didn't Ask For

Matatapos na natin ang nakakabaliw na taon sa kasaysayan nang walang sino man ang humihiling at hindi din naman inaasahan ng sino man. Pero, minsan, tinatawag tayo ng Diyos upang yakapin ang sitwasyon na hindi natin plinano at mga regalo na hindi natin hiniling - basahin itong limang-araw na debosyonal, na nagpapakita ng malapitan sa istorya ng Pasko, upang matutunan kung paano maiwasan ang makaligtaan ang iyong layunin sa tuwing ang nababalot ay mukha lamang problema. D

More

Nais naming pasalamatan ang Elevation Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://elevationchurch.org/youth