Ano Ito? Yakapin ang mga Regalong Hindi Mo HinilingHalimbawa

Maraming nagmamahal kay Maria sa istorya ng ka-Paskuhan, at tama lang naman. Ang pagsilang sa Anak ng Diyos ang pinaka-dakilang pagyayabang.
Pero karapat-dapat din naman na magkaron ng musika patungkol kay Jose. Alam ni Maria na ang sanggol na nasa sinapupunan niya ay galing sa Diyos, pero ang tanging alam ni Jose ay hindi niya anak ang sanggol na nasa sinapupunan ni Maria - at ang balitang iyon ng pagbubuntis ni Maria ay naglagay kay Jose sa mabigat na sitwasyon.
Meron siyang dalawang pagpipilian: tahimik na hiwalayan si Maria, o ipapatay siya. Malupit ang batas nang mga panahon na iyon, at hindi pabor kay Maria. (Pero hindi naman kailangan laging nasa iyo ang pabor, lalo kapag nasa buhay mo ang pabor ng Diyos.)
Sinakatan ni Maria ang puso ni Jose sa kanyang balita at winasak nito ang mga plano niya sa kanilang kinabukasan. Sa gitna ng kanyang kabiguan, nagdesisyon si Jose na tahimik na hiwalayan si Maria, ngunit ang hiwalayan siya ay para naring paghiwalay sa kanyang sariling kapalaran.
Siguro ay binabasa mo ito ngayon at sinusubukan mong talikuran ang mga problema na sa totoo lang ay humahawak sa iyong layunin.
Kung ano ang tila tama na desisyon para kay Jose ay hindi talaga pinakamahusay na desisyon, kaya namagitan ang Diyos at binigyan si Jose ng pangatlong pagpipilian: pakasalan si Maria. Nagpakita ang anghel kay Jose - hindi para ayusin ang problema niya, pero para bigyan siya ng bagong pananaw.
Kapag iniiba ng Diyos ang konteksto ng mga pinagdadaanan mo, makikita mo ang iyong kabiguan bilang banal na pagtatagpo, tulad nalang ni Jose.
Ang paglalakbay ni Jose, katulad kay Maria, ay hindi naging madali. Marahil ay nabuhay si Jose na may ilang mga hindi nasagot na katanungan. Ngunit tulad nalang ni Maria, panghabang-buhay ang naranasan ni Jose, at kung makakausap lang niya tayo ngayon, malamang ay sasabihin din niya ang mga salita ni Pablo sa Mga taga-Roma 8:18. "Dahil isinasaalang-alang ko na ang mga paghihirap sa mga oras na ito ay walang halaga kumpara sa kaluwalhatian na ihahayag sa atin."
Kung sa pakiramdam mo ay bigo sa ngayong Pasko dahil sa mga pag-abala, hilingin mo sa Diyos na baguhin ang iyong pananaw kung hindi Niya babaguhin ang iyong sitwasyon. Magtiwala ka sa Kanya na buksan ang iyong mga mata sa mga oportunidad sa mga balakid na iyong kinaka-harap.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Matatapos na natin ang nakakabaliw na taon sa kasaysayan nang walang sino man ang humihiling at hindi din naman inaasahan ng sino man. Pero, minsan, tinatawag tayo ng Diyos upang yakapin ang sitwasyon na hindi natin plinano at mga regalo na hindi natin hiniling - basahin itong limang-araw na debosyonal, na nagpapakita ng malapitan sa istorya ng Pasko, upang matutunan kung paano maiwasan ang makaligtaan ang iyong layunin sa tuwing ang nababalot ay mukha lamang problema. D
More
Mga Kaugnay na Gabay

Buhay Si Jesus!

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

God Is With You

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Nagsasalita Siya Sa Atin

Dayuhan Tayo Sa Mundo
