Ano Ito? Yakapin ang mga Regalong Hindi Mo HinilingHalimbawa

Nakakayamot kapag meron kang talagang inaasam na partikular na regalo, at sa halip, makaka-kuha ka ng bagay na hindi mo hiniling. Mahirap manabik sa isang regalo na wala manlang sa iyong listahan.
Malamang ay alam ni Maria ang pakiramdam na iyon. Bata pa siya at may kasunduang magpakasal kay Jose nang bigyan siya ng regalo ng Diyos na nakasira sa kanyang sariling mga plano. Nagpakita ang isang anghel at nagsabi na manabik siya dahil nasa kanya ang Panginoon, siya ay kinalugdan ng Diyos, at siya ay magsisilang sa Anak ng Diyos.
Ang kaluguran ng Diyos ay gumambala sa buhay ni Maria, pero hindi natin kailanman nabasa na inisip ni Maria na ang paggambala na ito ay isang abala.
Tumugon siya sa tawag ng Diyos sa kanyang buhay sa pagsasabing, "tinatanggap ko anuman ang ibigay sa akin ng Diyos."
Tinanggap niya ang regalo ng Diyos kahit na may kaakibat itong mga hamon na karamihan sa atin ay malamang na hindi ito pipiliing yakapin.
Hindi niya sinabi sa Diyos na mas maganda kung hihintayin Niyang mataposna siya ay maikasal para hindi masira ang kanyang imahe.
Hindi niya sinabi sa Diyos na kailangan muna niyang kausapin si Jose tungkol dito upang masigurado na kasama siya sa pagbago ng mga plano.
Mabait at mapagkumbaba niyang niyakap ang regalo na ibinibigay sa kanya ng Diyos, kahit na pa hindi ito padala na naayon sa kanyang kagustuhan.
Ang regalo na hindi niya alam hingin ay ang regalo na magbabago hindi lang ng kanyang buhay kundi ng buong mundo.
Ang taong ito ay namarkahan ng mga naudlot na plano at pagka-abala. Lahat tayo ay kinailangan na mag-ayos, umangkop, at tanggapin ang mga bagay na hindi natin kayang i-kontrol, pero natutunan mo na nga bang yakapinang mga bagay na sinusubukang ilagak ng Diyos sa iyong buhay?
Sumandal sa kung ano man ang mga bagay na ginagawa ng Diyos sa iyong buhay, kahit na hindi ito maginhawa o nakakatakot sa iyong pakiramdam. Magtiwala ka na ang Lumikha sa iyo ang nakaka-alam ng perpektong regalo para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Matatapos na natin ang nakakabaliw na taon sa kasaysayan nang walang sino man ang humihiling at hindi din naman inaasahan ng sino man. Pero, minsan, tinatawag tayo ng Diyos upang yakapin ang sitwasyon na hindi natin plinano at mga regalo na hindi natin hiniling - basahin itong limang-araw na debosyonal, na nagpapakita ng malapitan sa istorya ng Pasko, upang matutunan kung paano maiwasan ang makaligtaan ang iyong layunin sa tuwing ang nababalot ay mukha lamang problema. D
More
Mga Kaugnay na Gabay

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

Ang 7 Last Words Ni Jesus

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Nagsasalita Siya Sa Atin

God Is With You

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan
