Ano Ito? Yakapin ang mga Regalong Hindi Mo HinilingHalimbawa

Habang ang biyaya ng Diyos ay dakilang regalo na hindi masusukat, hindi nangangahulugan ito ng madaling buhay.
Minsan iniisip natin na kapag sinunod natin ang Diyos, ang buhay natin ay namamarkahan ng kaginhawaan at komportable - pero dinadala tayo ng istorya ng Pasko sa ibang paniniwala.
Napilitan si Maria at Jose na maglakbay sa mismong panahon na kagampan na si Maria, at nang makarating na sila sa kanilang destinasyon, hindi man lamang sila makahanap ng kwartong lalagian.
Ang parteng ito ng istorya kung saan karamihan sa atin ay nagiisip kung tama ba ang ating pagkaka-rinig natin sa Diyos. Kung ang Diyos, na nagko-kontrol ng lahat ng bagay, ay dadalhin ang Kanyang Anak sa mundong ito, hindi ba Niya pahihintulutan si Maria na manganak sa sarili niyang tahanan? Gawing madali para sa kanya, hindi ba? O kahit papaano, ilatag ang pulang karpet para sa Kanyang Anak at maglaan ng pinaka-magarang kwarto kay Maria para sa pagdating Niya sa Bethlehem?
Pero bihirang gumawa ang Diyos sa inaasahan nating paraan, at nakakaligtaan natin ang kahusayan Niya tuwing nililimitahan natin natin Siya sa mababaw nating inaasahan.
Nauwi sina Maria at Jose sa lugar na dapat ay sa mga hayop - hindi ng dugong-bughaw - at doon sa madilim at maduming lugar, pinahintulutan ng Diyos na gawin nila ang mahalagang parte ng himala na magtatakda sa ating kaligtasan.
Kung ang taong ito ay hindi naging komportable sa iyo, huwag mong isipin na iyon ay dahil sa hindi nanonood ang Diyos o wala Siyang pakialam. Ang kahirapan at dalamhati ay hindi senyales na hindi ka kinalulugdan.
Sinunod ni Maria ang Diyos nang may espiritu ng pasasalamat, pero hindi pinadali ng Diyos ang daan sa kanyang hinaharap. Sa halip, pinalakas siya upang lumakad sa mahirap na lakbayin.
Marahil ay hiniling ni Maria na sana ay nasa komportableng lagay siya sa gabi ng pagsilang niya kay Jesus. Normal lang ang manabik sa kaginhawaan. Gayunpaman, ang kagandahan ng gabing iyon ay sa wakas ay dumating na ang Diyos kasama natin.
Marahil ang pabor ng Diyos sa buhay mo ay may mga kabanatang talagang nakakapanlupaypay, pero huwag mong hayaang ibaling ng kaguluhan at di masaksihan ang himala.
Hilingin mo sa Diyos na ipakita sa iyo ngayon kung saan Niya ginagawa ang himala sa kalagitnaan ng tila ba kaguluhan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Matatapos na natin ang nakakabaliw na taon sa kasaysayan nang walang sino man ang humihiling at hindi din naman inaasahan ng sino man. Pero, minsan, tinatawag tayo ng Diyos upang yakapin ang sitwasyon na hindi natin plinano at mga regalo na hindi natin hiniling - basahin itong limang-araw na debosyonal, na nagpapakita ng malapitan sa istorya ng Pasko, upang matutunan kung paano maiwasan ang makaligtaan ang iyong layunin sa tuwing ang nababalot ay mukha lamang problema. D
More
Mga Kaugnay na Gabay

Series Name Ang Bible: Love Letter Ni Lord

Ang Lakas Niya Para Sa Iyo

Buhay Si Jesus!

The Cross | Ang Krus at ang Kahulugan Nito sa Naliligaw na Sangkatauhan

God Is With You

Ang 7 Last Words Ni Jesus

ANG MGA HULING SALITA NI JESUS: Pitong Pagbubulay Para sa Mahal na Araw

Dayuhan Tayo Sa Mundo

Ang Kabutihan Ng Panginoon Sa Psalm 103
