Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ano Ito? Yakapin ang mga Regalong Hindi Mo HinilingHalimbawa

What Is This? Embracing the Gifts You Didn't Ask For

ARAW 1 NG 5

Ang Pasko ang pinakamasayang panahon ng taon - maliban nalang kung hindi. 

Habang ang ilang tao ay inuugnay ang Pasko sa maasukal na galyetas, magkaternong pantulog, at lahat ng mainit at malambing na pakiramdam, ang katotohanan sa karamihan ay ang okasyong ito ang nagpapakinang sa kung ano ang kulang sa kanilang buhay. Ito ay pagpapa-alala sa kung ano ang nakaraan o kung ano dapat o kung ano ang inakala nilangdapat.  

Umaawit tayo patungkol sa pinaka-naunang Pasko bilang mapayapa at maliwanag, pero ang malapitang pag-tingin sa istorya ng Pasko ay magpapakita na hindi talaga ganoon. Ang mga bagay ay hindi payapa - magulo sila. At ang buhay at mukhang hindi maliwanag - sa katotohanan, lahat ng bagay ay tila ba napaka dilim. 

Si Maria ay pinagkalooban ng Panginoon ng halos karamihan sa atin ay hindi maunawaan, pero dahil dito muntik nang masira ang kanyang pag-aasawa at ang kanyang reputasyon. Malamang ay hindi niya mailalarawan ang taon na iyon bilang payapa, kahit pa na dinadala niya ang Prinsipe ng Kapayapaan. 

Sobrang nag-alala si Haring Herodes ng marinig niya ang balita tungkol sa kapanganakan ni Jesus kung kaya't ipina-patay niya lahat ng sanggol na lalake sa Bethlehem na may edad na dalawang taon pababa. Napilitan si Joseph na tumakas kasama si Maria at Jesus at patagong mamuhay, kaya may posibilidad na hindi ilalarawan ni Joseph na ang unang Pasko ay maliwanag.

 

Ang kapanganakan ni Jesus ang dahilan kung bakit natin ipinagdiriwang ang Pasko, pero ang mga pangyayari na nakapalibot sa Kanyang pagdating dito sa mundo ay hindi perperkto - gayun pa man, ipinapakita nito sa atin kung paano tayo makaka-hanap ng pag-asa sa mahihirap na lugar at yakapin ang mga regalo na hindi natin pinlano. 

Kahit pa dumadaan ka sa kahirapan o nagsasaya ka sa pinaka-masayang okasyon sa panahong ito, ang pag-asa ng Pasko ay pareho sa ating lahat - ito ay Immanuel, ang ibang pangalan ni Jesus na nangangahulugang "sumasa atinangDiyos." 

Kahit na ano pa ang nangyari sa iyo sa taong ito, kasama mo ang Diyos.

Kahit na ano pa ang hindi nangyari sa iyo, kasama mo parin ang Diyos.

Ano man ang mangyari o hindi mangyari sa taong darating, naghihintay ang Diyos doon, at gusto Niyang samahan ka sa paglakad dito. 

Sa gitna ng kaguluhan at pagkalito, inihatid ng Diyos ang pag-asa at kapayapaan sa mundo noong unang Pasko, at gayun din ang gusto Niyang gawin para sa sa iyo sa panahon ng okasyon na ito. 

Mag-isip ka ng mga oras kung saan ang sitwasyon ay pakiramdam mo na nagiisa ka or nalilito at isipin mo ang Diyos na nasa lugar na iyon kasama mo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

What Is This? Embracing the Gifts You Didn't Ask For

Matatapos na natin ang nakakabaliw na taon sa kasaysayan nang walang sino man ang humihiling at hindi din naman inaasahan ng sino man. Pero, minsan, tinatawag tayo ng Diyos upang yakapin ang sitwasyon na hindi natin plinano at mga regalo na hindi natin hiniling - basahin itong limang-araw na debosyonal, na nagpapakita ng malapitan sa istorya ng Pasko, upang matutunan kung paano maiwasan ang makaligtaan ang iyong layunin sa tuwing ang nababalot ay mukha lamang problema. D

More

Nais naming pasalamatan ang Elevation Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://elevationchurch.org/youth