Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ngayong Pasko Huwag Sumuko, Tumingin sa ItaasHalimbawa

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

ARAW 6 NG 6

Hayaan ang iyong Pagkatakot ay Gawing Pagdiriwang ng Diyos

Ang ilang mga tao ay tumitingin sa mga larawan ng Pasko sa social media at pinapalagay na ang lahat ay nakadarama nang hindi mapigilang kagalakan sa panahon ng kapaskuhan. Ngunit, syempre, iyan ay hindi maaaring maging mas malayo sa katotohanan.

Maraming mga tao ay natatakot. Sila ay natatakot sa hinaharap. Sila ay natatakot sa kasalukuyan. Ang mga takot na ito ay pumipigil sa kanila para tunay na magsaya sa kapaskuhan.

Tinukoy ng mga sikologo ang mahigit sa 645 na iba't-ibang takot na maaaring maranasan ng tao. Ang takot ay isang problemang pangkalahatan—at inaalis nito ang ating kagalakan, maging sa panahon ng kapaskuhan.

Ngunit narito ang magandang balita: Hindi mo kailangang matakot. Nasa tabi mo ang Diyos!

Pinatunayan iyan sa ating ng mga pastol mula sa unang Pasko. Sinasabi ng Biblia na sila ay nakatuon sa pangangalaga ng kanilang mga tupa mula sa mga mandaragit bago magpakita ang mga anghel. Nang ang mga anghel ay nagpakita ng isang pagtatanghal ng ilaw sa langit, halos mamatay sila sa takot.

Ngunit ang Diyos ay nagpadala ng isang mensahe sa pamamagitan ng mga anghel:

“Huwag kayong matakot! Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon” (Lucas 2:10-11 RTPV05).

Gayunin din ang sinasabi ng Diyos sa iyo ngayon.Hindi mo kailangang magpakawala sa iyong takot. Paulit-ulit sa Biblia, pinaalalahanan tayo ng Diyos na huwag matakot.

Ang pananaw ng mga pastol ay biglang nagbago dahil sa mensahe ng Diyos sa pamamagitan ng mga anghel. Sinasabi sa atin ng Biblia sa Lucas 2:15-16: “Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.” Nagmamadali silang pumaroon at natagpuan nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban” (RTPV05e).

Ang mga pastol ay hindi lang naglakad upang makita si Jesus—tumakbo sila! At sinasabi sa atin ng talata 17 na sinabi sa kanila ng mga tao ang tungkol sa Panginoon habang sila ay naglalakad. Ang mga tao ay nagdiwang kasama nila habang ibinahagi nila ang Mabuting Balita.

Kinuha ng Diyos ang kanilang takot at ginawa itong isang pagdiriwang.

Gagawin Niya rin ito sa iyo.

Pag-usapan ito

  • Ano ang nakita mong pinakanakakagulat tungkol sa patatagpo ng mga pastol sa mga anghel sa Lucas 2?
  • Anong takot ang pinakamahirap mong pagtagumpayan?
  • Paano kang tinulungan ng Diyos na mabawasan ang takot?

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

Narinig na nating lahat ang pariralang ito, “Ang mga bagay ay talagang bumubuti.” Ibig sabihin bumubuti ang mga bagay. Sinasabi sa atin ng Biblia na magiging mabuti ang mga bagay kung magsisimula tayong tumingin sa itaas. Alisin mo ang iyong mga mata sa kalagayan mo at ituon sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Rick Warren/Daily Hope para sa babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://pastorrick.com