Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ngayong Pasko Huwag Sumuko, Tumingin sa ItaasHalimbawa

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

ARAW 1 NG 6

Kung Titingin ka sa Itaas, Bubuti ang mga Bagay

Narinig na natin ang salitang, “Bumubuti ang mga bagay!”

Ngunit ano'ng ibig sabihin nito?

Ito'y nangangahulugan na bumubuti ang sitwasyon. Nababawasan ang iyong mga problema, at ang iyong mga oportunidad ay dumarami.

Ngayong Pasko gusto kong maalala mo ang isang mahalagang katotohanan: magsisimulang bumuti ang mga bagay para sa iyo kapag sinimulan mong tumingin sa itaas.

Sa madaling salita, ang kalagayan mo ay bubuti kung hihiinto ka sa pagtingin sa kanilaat magsimulang tumingin sa Diyos.

Paulit-ulit nating nakikita sa Biblia ang linyang: “Tumingala ka.” Ito ay ibang paraan ng pagsasabing, “Tumingin ka sa itaas. Tumingin ka sa Diyos at huwag sa sarili.”

Sinabi ito ng Diyos kay Moises. Sinabi Niya ito kay Abraham. Sinabi ito ni Jesus sa kanyang mga tagasunod.

May lumang kasabihan na nagsasabing, “Dalawang lalake ang nakatingin sa labas ng kulungan. Ang isa ay putik ang nakita, ang pangalawa ay mga bituin.” Sa madaling salita, ang unang bilanggo ay nakayuko at nawalan ng pag-asa, ngunit ang pangalawa ay nakatingalang puno ng pag-asa.

Ikaw ay may parehong pagpipilian at inaasahan kong piliin mong tignan ang mga bituin. Ginawa ng Diyos ang bawat isa nito. At ang mga bituing ito ang eksaktong mga bituin nagniningning sa gabing isinilang si Jesus mahigit pa 2,000 taon ang nakaraan. Nakita rin ni Haring David ang mga bituin na ito 1,000 taon iyan, nang isinulat niya ang mga salitang ito:

“Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? . . . O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo'y tunay kang dakila!” (Mga Awit 8:3-4, 9 RTPV05).

Kung tayo'y tumingala at makita kung gaano kalaki ang Diyos, pinapaliit nito ang ating mga problema. Tila ang mga ito ay hindi kasinglaki o kasingbigat kung ihambing sa kadakilaan ng Diyos.

Pag-usapan ito:

  • Sa tuwing may hinaharap na problema, bakit mas madaling ituon ang atensyon sa problema kaysa sa pagtuon ng atensyon sa Diyos?
  • Paano pinapaliit ng pagtingin sa kalawakan ng paglikha ang iyong mga problema?
  • Anong magagawa mo ngayong linggo upang makita ang kagandahan ng mga nilikha ng Diyos at maalis ang iyong mga mata sa problema?

Pinagkatiwala mo na ba ang iyong kaligtasan kay Jesus?

Ang Biblia ay nagsasabi na makakarating lamang tayo sa langit sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang Anak, si Jesu-Cristo. At hindi na tayo kailangang gumawa ng paraan upang makuha ang pagmamahal ang Diyos o gumawa ng paraan papuntang langit. Sinasabi sa Mga Taga-Efeso 2:8-9 na, “Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman” (RTPV05).

Kung hindi ka pa nagtitiwala kay Jesus at nangakong sumunod sa kanya, ano pa ang hinihintay mo? Kung handa ka nang tumawid sa linya at piliing magtiwala kay Jesu-Cristo at sumunod sa kanya, ipagdasal mo ang panalanging ito:

“Mahal kong Jesus, nangako ka na kapag ako ay magtiwala sa iyo, lahat ng mga maling nagawa ko ay patatawarin mo at matututunan ko ang layunin mo para sa aking buhay, at tatanggapin mo ako sa iyong walang-hanggang tahanan sa langit balang araw.

“Inaamin ko ang aking mga kasalanan, at naniniwala akong ikaw ang aking Tagapagligtas. Ipinangako mo na kapag inamin ko ang aking mga kasalanan at nagtiwala sa iyo, ako'y maliligtas. Nagtitiwala ako sa iyo sa sinasabi mong ang kaligtasan ay ibinibigay nang dahil sa kagandahang-loob, sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi dahil sa anumang ginawa ko. Tinatanggap kita sa aking buhay bilang aking Panginoon. Ngayon ay pinapaubaya ko ang bawat bahagi ng aking buhay para sa iyong pamamahala. Ikaw ay may karapatang gawin ang iyong kalooban sa aking buhay.

“Jesus, gusto kong guminhawa sa iyong pagmamahal. Salamat at hindi ko na kailangang gumawa ng paraan upang makuha ito o kailangang pagtrabahuan pa ito. Gusto kong gamitin ang buong buhay ko upang paglingkuran ka sa halip na paglingkuran ang aking sarili. Buong pagpapakumbaba kong ibinibigay sa iyo ang aking buhay at humihiling na iligtas at tanggapin mo ako sa iyong pamilya. Sa iyong pangalan ako'y nananalangin. Amen.”

Kung ikaw ay nanalangin upang tanggapin si Jesus, mangyaring magpadala ng e-mail sa akin sa Rick@PastorRick.com at ipaalam sa akin ang tungkol dito. Gusto kong padalhan ka ng ilang libreng materyales para tulungan kang simulan ang iyong paglalakbay kasama si Jesus.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

This Christmas Don’t Give Up, Look Up

Narinig na nating lahat ang pariralang ito, “Ang mga bagay ay talagang bumubuti.” Ibig sabihin bumubuti ang mga bagay. Sinasabi sa atin ng Biblia na magiging mabuti ang mga bagay kung magsisimula tayong tumingin sa itaas. Alisin mo ang iyong mga mata sa kalagayan mo at ituon sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan si Rick Warren/Daily Hope para sa babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://pastorrick.com