Ngayong Pasko Huwag Sumuko, Tumingin sa ItaasHalimbawa

May Sagot ang Diyos sa Iyong Pag-aalala
Maging tapat tayo. Ang pagiging magulang sa unang pagkakataon ay isang mahirap na transisyon sa sinuman. Ang pagpapakain sa hatinggabi, ang regular na ritmo ng maruruming lampin, at ang maselang karanasan ng pagkakaroon ng kabag ay nagiging dahilan upang maging ang pinakahandang magulang ay makaramdam na tila nabubuhay sa pagkalito.
Isipin kung paano malagay sa sitwasyon ni Maria. Kahit na siya ay hindi pa man lang sumiping sa isang lalaki, isang anghel ang lumapit sa kanya at nagsasabi, “Ikaw ay magiging ina ng Anak ng Diyos.”
Iyan ay isang nakaka-stress na pahayag.
Sinasabi ng Biblia na siya ay tumugon sa balita katulad ng gagawin ng sinuman sa atin—nag-alala siya. “Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap” (Lucas 1:29 RTPV05).
Sa Paskong ito maaring ikaw ay nasa sitwasyong katulad ni Maria. Hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo sa susunod na taon. Inaakay ka ng Diyos na gumawa ng isang bagay na bago. Mawawalan ka ng trabaho. Mukhang matatapos na ang isang relasyon.
Kaya nag-aalala ka.
Ang pag-aalala ay may kinalaman sa pagkontrol. Pagtatangkan itong kontrolin ang hindi kayang kontrolin. Hindi natin kayang kontrolin ang ekonomiya, kaya nag-aalala tayo tungkol sa ekonomiya. Hindi natin kayang kontrolin ang ating mga anak, kaya nag-aalala tayo tungkol sa ating mga anak. Hindi natin kayang kontrolin ang hinaharap, kaya nag-aalala tayo tungkol sa hinaharap. Ngunit hindi malulutas ng pag-aalala ang anumang bagay! Ito ay pag-aalala ng walang pagkilos.
Ano ang ginawa ni Maria sa kanyang pag-aalala?
Binago niya ang kanyang pananaw at sumandig sa mga pangako ng Diyos.
Sinabi ni Maria: “Sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin—Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad! Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan” (Lucas 1:48 RTPV05).
Ang buong panalangin in Maria sa Lucas 1 ay puno ng Kasulatan mula sa Lumang Tipan. Siya ay isang babae ng Salita. Sa halip na tumuon sa kanyang sitwasyon, siya ay nakatuon sa mga pangako ng Diyos.
Maaaring humaharap ka sa isang imposibleng sitwasyon sa Paskong ito. Ngunit paulit-ulit na ipinapahayag ng Biblia sa mga pahina nito na tinutulungan ka ng Diyos.
Ang mga pangako ng Diyos na tulungan tayo habang tayo ay nagiging malusog, nagiging mga mabuting magulang, inaalis ang ating mga pagkakautang, at marami pa.. Subalit maliban na lamang kung alam natin at inaangkin ang mga pangakong iyon, hindi na natin kailangang mag-alala tungkol sa ating kinabukasan.
Handa ka na bang magtiwala sa Diyos anuman ang naghihintay sa iyo para sa susunod na taon?
Pag-usapan natin ito
- Ano ang pinakamalaki mong alalahanin sa panahong ito ng kapaskuhan?
- Paano mo karaniwang hinahayaang ang pag-aalala ay makaapekto sa iyong pang-araw-araw na buhay?
- Ano ang ilan sa mga pangako ng Diyos na maaari mong sandigan upang tulungan kang mapagtagumpayan ang mga pag-aalala?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Narinig na nating lahat ang pariralang ito, “Ang mga bagay ay talagang bumubuti.” Ibig sabihin bumubuti ang mga bagay. Sinasabi sa atin ng Biblia na magiging mabuti ang mga bagay kung magsisimula tayong tumingin sa itaas. Alisin mo ang iyong mga mata sa kalagayan mo at ituon sa Diyos.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Nilikha Tayo in His Image

Sa Paghihirap…

Ang Kahariang Bali-baliktad

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Masayahin ang ating Panginoon
